Patay ang isang 36-anyos na lalaki matapos siyang pagbabarilin sa labas ng isang tindahan sa Caloocan City. Ang biktima, nagawa pang habulin ng ilang metro ang salarin na nakamotorsiklo bago siya bumagsak at tuluyang namatay.
Sa ulat ni James Agustin sa GMA News 24 Oras nitong Huwebes, kinilala ang biktima na si Eleil Dionisio, na residente ng Barangay 176, sa Bagong Silang, Caloocan.
Sa kuha ng CCTV camera, nakita ang pagdaan ng suspek na sakay ng motorsiklo. Ilang saglit pa, nasa likod naman niya ang duguang biktima na tumatakbo. Pero bago pa man abutin ng biktima ang suspek, bumagsak na siya sa semento at idineklarang dead on arrival sa ospital dahil sa mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na pinagbabaril ang biktima sa labas ng isang sari-sari store. Nakatakbo pa siya ng halos 50 metro para habulin ang salarin na nakasakay sa motorsiklo. "Continuous investigation pa rin kami and follow up operation for the identification of suspect and back tracking of cctv," ayon kay Police Captain Joniber Blasco, Caloocan Police Sub-station 13 commander. "Sa ngayon marami kaming anggulo tinitingnan."Ang pamilya ng biktima, walang maisip na posibleng dahilan para patayin ang kanilang kaanak. Hangad na mabigyan ng hustisya ang kaniyang sinapit.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Lalaking sinita dahil sa paninigarilyo sa Caloocan, arestado matapos magwalaPatung-patong na reklamo ang kinakaharap ng isang lalaking sinita dahil sa paninigarilyo sa Caloocan City matapos siyang magwala habang inaaresto ng mga pulis.
Read more »
Lalaking pinagtulungang gulpihin sa Navotas, nanaksak; 1 patay, 2 sugatanNasawi ang isang lalaki habang dalawa ang sugatan matapos silang saksakin ng lalaking kanilang pinagtulungang gulpihin sa labas ng isang restobar sa Navotas City. Depensa ng suspek, ipinagtanggol lamang niya ang sarili.
Read more »
13-anyos na lalaking nagmaneho ng tricycle, patay nang makabanggaan ang bus sa Camarines NorteNasawi ang isang 13-anyos na lalaki na nagmamaneho ng tricycle matapos niyang makabanggaan ang isang bus sa Labo, Camarines Norte. Sugatan din ang pasahero sa tricycle.
Read more »
Lalaking nakaupo sa bangketa sa QC, patay matapos saksakinIsang lalaki ang nasawi matapos siyang saksakin habang nakaupo sa may bangketa sa northbound lane ng EDSA sa Quezon City.
Read more »
SM City Caloocan, your big-city mall is now openThis promises a one-stop destination for exceptional shopping, dining, and entertainment experiences for residents and visitors alike.
Read more »
SM City Caloocan, your big-city mall is now openLatest Philippine news from GMA News and 24 Oras. News, weather updates and livestreaming on Philippine politics, regions, showbiz, lifestyle, science and tech.
Read more »