Isang lalaki ang binaril sa Bacoor, Cavite dahil umano sa masamang tingin, ayon sa ulat ni Jhomer Apresto sa Unang Balita nitong Huwebes.
Naganap ang pamamaril nitong Miyerkules ng umaga at masuwerteng nakaligtas ang biktima, na tinamaan ng bala sa kanang braso na tumagos sa kanang bahagi ng kaliwang hita.
"Sa may harap ng tindahan, 'yung victim ay nandoon, biglang dumaan doon si suspek. Nakita ni suspek na nakatingin nang masama sa kaniya si victim, bigla itong bumaba sa sinasakyan niyang motor at pinaputukan niya si victim," kuwento ni Police Major Renalyn Lim, deputy chief of police ng Bacoor City Police Station.
Bago raw tumakas ang suspek ay tinangka pa ulit nitong barilin ang biktima pero nag-jam ang baril nito. "Humingi ng tulong itong si victim doon sa may-ari ng tindahan pagkabaril sa kaniya... After niyang mabaril itong si victim, pumunta siya doon sa pinaka-leader nila, doon sa kabalikat, doon siya nag-ano... parang sumuko na," ani Lim."Binaril ko ho siya kasi binunutan ho niya ako ng baril, inagaw ko, kaysa ako 'yung mamatay, ipinutok ko sa kaniya. Pag-agaw ko pinutok ko na agad, kaysa ako ang mamatay kawawa naman ang anak ko. Eh sila wala naman siyang pamilya, wala siyang anak.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
1 estudyente patay, 3 sugatan, nang bumigay ang poso negro ng isang paaralan sa CaviteNahulog na magkakapatong sa loob ng makipot at tuyong poso negro ang apat na estudyante nang bumigay ang sementadong bahagi nito na kanilang inuupuan sa Alfonso, Cavite. Ang isang biktima, nasawi matapos mabagsakan ng debris.
Read more »
Lalaking nangmolestiya umano ng menor de edad sa Camarines Sur, huli sa QCTimbog ang isang lalaki dahil sa pangmomolestiya umano sa isang menor de edad na kaanak ng kaniyang asawa sa Cabusao, Camarines Sur, pagkaraan ng mahigit dalawang taong pagtatago sa Quezon City.
Read more »
Bangkay ng lalaki na may tama ng bala sa ulo, natagpuan sa eskinita sa CaloocanIsang lalaki na bangkay na at may tama ng bala ng baril sa ulo ang natagpuan sa isang eskinita sa Caloocan City.
Read more »
Lalaking nagpanggap umanong magde-deliver ng parcel, basta na lang pumasok sa bahay sa LagunaIsang lalaki na nagpanggap umanong magde-deliver ng package at posibleng pagnanakaw ang pakay ang nahuli-cam na basta na lamang pumasok sa loob ng isang bahay sa Pila, Laguna.
Read more »
2 patay, higit 10 ang sugatan sa banggaan ng 3 sasakyan sa Davao del NorteDalawa ang nasawi, at hindi bababa sa 10 katao ang sugatan sa karambola ng isang boom truck, isang bongo truck, at isang motorsiklo sa Carmen, Davao del Norte.
Read more »
Batang pugo vendor, ipina-take-out ang ibinigay na pagkain sa kaniya para ipasalubong sa lolaNaantig ang netizens sa isang post tungkol sa isang batang lalaki na nagbebenta ng pugo sa kalsada. Sa halip kasi na kainin ang libreng pagkain na ibinigay sa kaniya ng may-ari ng isang pastry shop, hiniling niya na i-take-out na lang para ipasalubong niya sa kaniyang lola.
Read more »