Patay ang isang lalaki matapos siyang pagbabarilin ng kaniyang mga kaibigan sa kaniyang bahay sa Rodriguez, Rizal dahil umano sa onsehan sa ilegal na droga.
Sa ulat ni EJ Gomez sa GMA News Unang Balita nitong Martes, sinabing naganap ang pamamaril sa mismong tahanan ng 34-anyos na biktima sa Barangay San Isidro, noong 11:00 am ng Sabado.
"Bago po mangyari ang insidente, itong suspek po natin ay nakita ng ating witness na papunta po sa bahay ng biktima. Then... nakarinig sila ng putok. Then nakita naman po nila itong dalawang suspek natin na papatakas po, papalayo po sa bahay ng biktima," sabi ni Police Lieutenant Colonel Arnulfo Selencio, Chief, Rodriguez Municipal Police.Narekober din sa crime scene ang tatlong basyo ng bala ng .45 na baril.
"Wala kami na ibang tinitingnan anggulo kundi onsehan po ito Ma'am sa droga dahil kung makikita po natin ang crime scene doon mismo sa loob ng bahay nakakalat pa po ang mga drug paraphernalia na nandoon po sa upuan,” sabi ni Selencio. Isa umanong drug personality ang biktima na dati nang nabilanggo. Samantalang may dating kasong illegal drugs, robbery at rape ang dalawang suspek sa pamamaril.
Patuloy ang manhunt operation ng pulisya sa dalawang salarin, at ang pagkalap ng mga CCTV footage sa mga lugar ng insidente.--Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
3 lalaki, huli sa pambubugbog umano ng 2 lalaki sa MakatiTimbog ang tatlong lalaki dahil sa pambubugbog umano sa dalawa pang lalaki sa Barangay Olympia, Makati City. Depensa nila, ang mga biktima ang nag-umpisa ng away.
Read more »
Lalaki, patay matapos barilin sa CaloocanNasawi ang isang lalaki matapos barilin sa Brgy. 176 D Bagong Silang, Caloocan.
Read more »
7 anyos na lalaki, patay matapos matuklaw umano ng ahas sa CaloocanMaagang natuldukan ang buhay ng 7 anyos na si James Abarabar matapos siya mamatay dahil umano sa tuklaw ng ahas. Ayon sa ina ni James na si Czarina Abarabar, natutulog sa sahig ang anak niya nang mabilisan niya itong pinalabas ng bahay nang mapansin niya ang gumagalaw na ahas sa may pintuan.
Read more »
Lalaki, patay nang bagsakan ng improvised barbell at pagsasaksakin ng katrabaho sa CebuNasawi ang isang lalaki matapos siyang bagsakan ng improvised barbell at pagsasaksakin pa ng kaniyang katrabaho dahil sa personal na alitan umano sa isang poultry farm sa Balamban, Cebu.
Read more »
2 lalaki na inawat sa pagbirit sa videoke sa Q.C., namaril; 2 patay, 1 sugatanDalawa ang nasawi--kabilang ang isang barangay tanod-- matapos silang barilin ng dalawang lalaki na inawat sa pagbirit sa videoke session sa isang residential area sa Barangay Sauyo sa Quezon City nitong Martes ng gabi.
Read more »
Tricycle driver na namamasada, patay nang pagbabarilin sa RizalNasawi ang isang tricycle driver na namamasada matapos siyang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin.
Read more »