Nagbigay na ng pahayag si Ken Chan kaugnay sa inilabas na arrest warrant ng korte laban sa kaniya bunsod ng kinakaharap niyang kaso na syndicated estafa.
Sa naturang pahayag na naka-post sa Instagram account ng aktor, ipinaliwanag ni Ken na nagsara ang negosyo niyang Café Claus na mayroong tatlong branches matapos na hindi ito magtagumpay.Nitong nakaraang linggo, nagtungo sa bahay ni Ken sa Quezon City ang ilang pulis para arestuhin siya at isilbi ang arrest warrant pero hindi siya nakita roon.
Ayon kina Atty. Joseph Noel Estrada at Atty. Maverick Romero ng Estrada & Aquino Law Office, na kumakatawan sa nagrereklamo na hindi pinangalanan, may pitong kasama si Ken sa isinampa nilang kaso na syndicated estafa-- kaso na walang piyansang nakalaan maliban na lang kung papayagan ng korte. Sinabi ni Estrada, na hinikayat umano ni Ken ang kanilang kliyente na maglagay ng puhunan sa naturang restaurant business na may pangakong matatanggap na 10% monthly interest.Itinanggi naman ni Ken sa kaniyang pahayag ang naturang alegasyon.
"Hindi po ako nanghingi lang ng pera at nanloko tulad ng akusasyon sa akin. Nalugi po ang Café Claus at isa sa malaking dahilan na rin ay dahil sa ilang business partners naming na nagplano para pabagsakin ang kumpanya at patuloy na sirain ang aking pangalan," pahayag ng aktor. Sinabi ni Ken na magbibigay pa siya ng iba pang detalye sa tamang oras kung bakit bumagsak ang negosyo. Ipinaliwanag din niya na pinili niyang manahimik habang hinaharap ang usapin sa legal na proseso."Lumalaban po ako at hindi tumatakbo palayo sa isinampang kaso sa akin. Mahigit isang dekada kong pinaghirapan ang aking career at hindi dahil sa akusasyon ng iilan ang magtatapos ng napakagandang future na inilaan para sa akin ng Panginoon," sabi ni Ken.
Btbchikamuna Ken Chan Btbtrending
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Police fail to serve Ken Chan warrant of arrest at Quezon City homeLatest Philippine news from GMA News and 24 Oras. News, weather updates and livestreaming on Philippine politics, regions, showbiz, lifestyle, science and tech.
Read more »
Ken Chan, hinahanap ng mga pulis dahil sa kinakaharap na kasong syndicated estafaBigo ang mga awtoridad na maisilbi sa aktor na si Ken Chan ang arrest warrant nito para sa kasong syndicated estafa nang puntahan nila sa bahay sa Quezon City nitong Biyernes.
Read more »
Search on for Ken ChanOn Friday, authorities visited the actor's home in Quezon City in the hopes of serving him a warrant of arrest but to no avail.
Read more »
Ken Chan breaks silence following charges of syndicated estafaLatest Philippine news from GMA News and 24 Oras. News, weather updates and livestreaming on Philippine politics, regions, showbiz, lifestyle, science and tech.
Read more »
Get through the Christmas stress with life coaches of Jose Mari Chan, BINI, and Cristine ReyesThe life coach of celebrities such as veteran singer-songwriter Jose Mari Chan, BINI, and Cristine Reyes, among others, is offering a program to help people navigate the Yuletide stress, or any challenging time for that matter.
Read more »
‘Kamatuoran sa Opon’ admin denies targeting Chan, political backingSunStar Publishing Inc.
Read more »