MAYNILA — Hinikayat ng Department of Agriculture ang mga livestock owner na apektado ng Taal eruption na isangla na lamang sa ahensiya ang mga hayop kaysa baratin pa ng mga mapagsamantala.
Ayon sa DA, maaari itong isangla sa kanilang Taal Livestock Care Emergency Operations Center o sa Southern Tagalog Integrated Agricultural Research Center.Ayon kasi sa ulat na natatanggap ni DA Assistant Secretary Noel Reyes, talamak ngayon ang pananamantala ng traders na binibili ang mga hayop nang bagsak-presyo dahil walang mapaglagyan ang mga ito sa evacuation centers.
Sabi ni Reyes, sa DA centers ay libreng aalagaan ang mga hayop at bibigyan pa ito ng mga pagkain, vitamins, at iba pang veterinary supplies. Layunin umano ng DA na mapanatili ang populasyon ng mga hayop. "Ayon sa aming mga eksperto para ma-preserve 'yung mga lahi. Pag naubos saan sila kukuha, sa karatig-bayan? Sa Quezon? Baka mamaya hindi sanay sa Taal, magkakaiba ang mga kabayo."
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
DA to take temporary care of livestock, pets in Taal eruption-affected areasThe Department of Agriculture (DA) has assured livestock owners and farmers in the Taal Volcano eruption-affected areas that they need not sell their animals as the agency will provide them with assistance.
Read more »
Low sulfur dioxide from Taal, but not time to relax yet'Hindi porque bumaba ang SO2 (sulfur dioxide) ay safe na tayo, dahil puwedeng nababarahan lamang ang mga labasan ng SO2,' says Phivolcs official Maria Antonia Bornas on Wednesday, January 22. TaalEruption2020
Read more »