Sa 69-66 come-from-behind win sa ‘three-peat’ champions Letran noong Sabado ay ipinakita ng Mapua ang kanilang karakter na magagamit nila papasok sa Final Four ng NCAA Season 99 men’s basketball tournament.
Sinandigan ng Cardinals sa nasabing paglusot sa Knights sina veterans Paolo Hernandez, Clint Escamis at Warren Bonifacio.
Rumesbak ang Mapua mula sa 24-35 pagkakabaon sa first half bago inagaw sa Letran ang 67-66 bentahe mula sa undergoal stab ni Jopet Soriano. Solo ng Mapua ang liderato sa kanilang 9-2 baraha kasunod ang Lyceum , Jose Rizal , San Beda , St. Benilde , Emilio Aguinaldo College , University of Perpetual System DALTA , San Sebastian , Arellano at Letran .At 55th year, Uratex brings honor to Philippines with new Guinness World RecordExperience style with substance with new OPPO Find N3 Flip, now in Philippines!
Inihahanda na ang cash incentives ng mga atletang nag-uwi ng medalya sa katatapos na 4th Asian Para Games na ginanap sa Hangzhou,...