Binabalangkas na ng Kamara ang mga posibleng idagdag sa lalamanin ng panukalang Bayanihan We Recover As One Act o ang pagpapalawig sa RA 11469 o ang Bayanihan We Heal As One Act.
Sa isang Facebook live, sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na nakipagpulong na sila via Zoom kay Education Sec. Leonor Briones upang mapag-usapan kung ano ang tulong na maaaring ibigay sa mga mag-aaral at guro.
Isa na rito ay 'yung imbes na bumili ng libro ang departamento, “instead of libro 'yung learning materials na ididistribute sa parents at sa mga bata ano.”“We’re working on that sa DOLE sa TUPAD, not as a dole-out but to use the teachers as tutors during this period na nagho-homeschooling ang mga bata,” ani Cayetano.
Dagdag pa niya, “we can actually put together a program na trabaho hindi dole-out pero ma-meet ang immediate need natin.” Nakipagpulong na rin, aniya, sila kay Finance Sec. Sonny Dominguez at National Economic and Development Authority Sec. Karl Chua upang talakayin ang economic stimulus sa ilalim ng Bayanihan II.
Kabilang sa mga sektor na nais sana nilang tulungan ang mga licensed massage therapist, mga nagtatrabaho sa mga beauty parlor at barberya, wellness industry gayundin ang mga nasa performing arts gaya ng banda, mga comedian at event organizers.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
EXCLUSIVE: Therese Malvar, nanood ng K-drama para sa kanyang upcoming Kapuso showPaano kaya makatutulong ang K-drama sa character ni Therese Malvar sa kanyang upcoming Kapuso show? Alamin DITO:
Read more »
Minglanilla dunay 3 ka dugang kaso sa Covid-19TULO ka mga kaso sa coronavirus disease (Covid-19) ang nadugang sa lungsod sa Minglanilla Martes, Hunyo 9, 2020.Matod sa Minglanilla Rural Health Unit...
Read more »