Jeric ayaw pag-usapan ang anak na si Vanessa Raval; hindi rin suportado ang paghuhubad ni AJ | via banderaphl
BAKIT kaya tikom ang bibig ng aktor na si Jeric Raval nang tanungin ni Ogie Diaz tungkol sa anak nitong si Vanessa Raval na pinag-uusapan ngayon dahil sa mga pinagsasabi nito sa kanyang vlog sa YouTube.
Sa ibang bansa na nakatira ang ibang anak ni Jeric at ‘yung iba ay nandito lang sa Pilipinas na nagkikita-kita naman sila kapag maluwag ang mga oras nila. Samantala, inamin din ng aktor na hindi niya alam na pumasok na sa showbiz ang anak na si AJ dahil nga hindi siya pabor lalo na ang mga karakter na ginagampanan niya ngayon sa mga sexy film ng Viva.
“Nakaganito ako sa sinehan tapos ganu’n ‘yung mga eksena tapos nakaganu’n ka , tapos ang tao nakatingin kay Jeric kung ano reaksyon, tapos aabangan ka para interbyuhin ka. Alangan namang ganu’n ang eksena tapos papalakpak ka, ‘ang galing ng anak ko,'” katwiran ng ama ni AJ.