MAYNILA.- Sa rap, spoken word, poetry, at iba pang uri ng sining idinaan ng ilang mag-aaral sa Oriental Mindoro ang kanilang pasasalamat sa COVID-19 frontliners.
Kahit naka-home quarantine, gumawa ng paraan ang mga estudyante ng Community Vocation High School sa Calapan City, Oriental Mindoro upang papurihan ang sakripisyo ng health frontliners. "Tinutupad mga pangako atin silang palakpakan sa kanilang kabayanihan isa dalawa tatlo salamat sa inyo, pagpupugay walang sawa dahil sa inyong mga gawa, patuloy nating pagdasal at atin bigyang dangal," ani Ayong sa awitin, na pinamagatang "Deathbed.
Ang presidente ng student government na si Vlademir Casilla, sa tula nagsabi ng kaniyang pagsaludo sa medical workers. "Ito ay mga frontliners na ang tanging nais tayo ay sagipin, isa, dalawa, tatlo milyon-milyong tao kayong ilan sa pinasasalamatan ko, handa kayong magsakripisyo kahit alam nyong hindi kayo sigurado kung magiging positibo o negatibo.," aniya sa tula.
May mga estudyante ring bumuo ng mga tula, awitin, nagsulat ng liham, artwork at gumawa ng frontliner dance challenge.“[Ginawa ito upang] mabigyan po ng pasasalamat ang atin pong magigiting na frontliners bilang mag-aaral yun lamang po ang aming maitutulong ang palakasin ang kanilang loob at sumunod sa kanilang mga utos," ani Casilla. Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Ilang punerarya aminadong nabulaga, di handa sa COVID-19 crisis
Read more »
Some P30 billion from Build, Build, Build budget reallocated for COVID-19 response: DPWH
Read more »
Ilang punerarya aminadong nabulaga, di handa sa COVID-19 crisis
Read more »