FactCheck: Makikita sa resibong nasa video na ang P2.81 na singil ng INEC sa isang konsumer mula sa Ilocos Norte ay dahil walang nakatira sa bahay na pinagsingilan ng kuryente.
: Ang P2.81 na singil ng Ilocos Norte Electric Cooperative, Inc. sa isang konsumer o ang pagkakaroon ng mababang bill ng kuryente sa Ilocos Norte ay dahil diumano sa anak ng yumaong diktador at ngayo’y gustong tumakbo sa pagka-presidente na si Bongbong Marcos.: Makikita sa resibong nasa video na ang P2.
Dagdag pa rito, may kasamang pag-endorso kay Bongbong Marcos ang nasabing voice-over na hiniram mula sa ibang TikTok user. Sa mas masusing pagsusuri sa resibong ipinakita sa video, makikitang ang P2.81 na singil ng Ilocos Norte Electric Cooperative, Inc. ay dulot ng “no occupant” o ang kawalan ng tumitira sa bahay na pinagsingilan ng kuryente. Mapapansin din ang nakasulat sa caption na naglalahad na “ilaw lang” ang gamit nila.