Watch more in iWant or TFC.tv MAYNILA — Hinuli nitong Miyerkoles ang nasa 40 tao na umano'y dawit sa paggawa ng mga pekeng dokumento sa Recto, Maynila.
Watch more in iWant or TFC.tv MAYNILA — Hinuli nitong Miyerkoles ang nasa 40 tao na umano'y dawit sa paggawa ng mga pekeng dokumento sa Recto, Maynila.
Sa operasyong ikinasa ng Manila Police District sa mga eskinita ng tinaguriang "Recto University," nabuking ang mga mimeograph machine na ginagamit pang-imprenta.Sa ilang kabahayan ay nakita ang mga pekeng dokumento tulad ng pasaporte, ID, birth certificate, diploma, lisensiya, at iba pa. Ayon sa pulisya, mismong si Manila Mayor Isko Moreno ang nag-utos na salakayin ang lugar dahil sa talamak na ilegal na kalakaran doon. "Nahuli na natin 'yung iba dati, lalo na 'yung dalawa doon pabalik-balik lang ng kulungan," ani Police Maj. Rosalino Ibay ng MPD special mayor's reaction team.
Ayon kay Moreno, dapat na raw matuldukan ang kalakaran ng pekeng dokumento sa Recto na higit dekada nang namamayagpag.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Dating ahente ng credit card, arestado sa 'modus'
Read more »