Kakaibang istorya ang hatid ng seryeng 'Fractured' na pinagbibidahan nina Seth Fedelin at Francine Diaz.
MAYNILA -- Kakaibang istorya ang hatid ng seryeng "Fractured" na pinagbibidahan nina Seth Fedelin at Francine Diaz.
Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, ibinahagi ng mga aktor sa serye na sina Jeremiah Lisbo, Kaori Oinuma, Sean Tristan, Raven Rigor kung tungkol nga ba saan ang "Fractured" na nagsimula nang ipalabas sa iWant app at sa YouTube channel ng iWantTFC. Watch more News on iWantTFC "Patungkol po ito sa mga kabataan na hinahangad na maging influencers. Sila ay nag-aaral din. Thriller, suspense and horror po," ani Lisbo.
"Sa kagustuhan nila na maging influencers, hindi nila alam na minsan nakakasakit na sila ng ibang tao. 'Yun ang bubog ng bawat isa sa amin," dagdag ni Oinuma. "Group of influencers na pumunta sa isang island na in-invite kami and may mga nangyayaring things sa island na 'yon na hindi namin in-expect. Every character ay iba-iba po sila ng personality," ani Tristan."'Yung 'Fractured' po very interesting ang story niya na sobrang timely niya. Maraming tao siguro na gusto maging influencers at some point in their lives, ang daming gusto maka-influence ng tao at iba-iba ang reasons nila," ani Raven.Bisitahin ang Patrol.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Seth, Francine and Raven want to inspire, not stress out, fans with social media postsWhether you like it or not, social media has completely become part of our daily existence.
Read more »
18.6% ng kabataan wala sa eskwela, kadalasan dahil sa trabaho — PSALumalabas na isa sa limang kabataan edad lima hanggang 24-anyos ang hindi enrolled o 'di kaya'y pumapasok sa eskwelahan, ayon sa pinakahuling taya ng Philippine Statistics Authority.
Read more »