Isang foreign national ang nadakip dahil sa panunutok umano ng baril sa Makati City. Ang dayuhan, nakitaan pa ng ilang baril at mga high-tech gadget sa kaniyang sasakyan.
Sa ulat ni Jamie Santos sa Unang Balita nitong Huwebes, sinabing nadakip ang foreign national matapos manutok ng baril nitong Miyerkoles ng gabi.
Sa paghahanap ng mga pulis sa baril na ginamit ng suspek, natuklasan nila sa kaniyang sasakyan ang ilan pang baril at mga gadget. Ayon kay Police Lieutenant Colonel Imelda Reyes ng Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit sa National Capital Region , malalaki at advanced ang mga gadget kaya kukuha sila ng mga eksperto para matukoy ang mga ito.Hindi nagsasalita ng Ingles ang foreign national at kailangan pa niya ng interpreter.
Magsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang Philippine National Police - Criminal Investigation and Detection Group at Regional Field Unit – NCR at kanilang counterpart sa Armed Forces of the Philippines upang matukoy ang pagkatao ng suspek. Magsasagawa rin ng background investigation ang mga awtoridad upang malaman kung may pending cases siya.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Lalaki, huli sa panggagahasa umano sa asawa at anak ng inmate sa QCNadakip ang isang lalaking tricycle driver na wanted sa panghahalay umano sa asawa at anak ng isang inmate sa Quezon City.Nadakip ang isang lalaking tricycle driver na wanted sa panghahalay umano sa asawa at anak ng isang inmate sa Quezon City.
Read more »
3 lalaki na sangkot sa pagpatay at pagkaladkad sa isang aso sa Iligan City, arestadoNadakip na ang tatlong lalaki na sangkot sa nag-viral na video na nahuli-cam ang pagpatay at pagkaladkad pa sa isang aso sa Iligan City, Lanao del Norte.
Read more »
2 patay, higit 10 ang sugatan sa banggaan ng 3 sasakyan sa Davao del NorteDalawa ang nasawi, at hindi bababa sa 10 katao ang sugatan sa karambola ng isang boom truck, isang bongo truck, at isang motorsiklo sa Carmen, Davao del Norte.
Read more »
Lalaking nangmolestiya umano ng menor de edad sa Camarines Sur, huli sa QCTimbog ang isang lalaki dahil sa pangmomolestiya umano sa isang menor de edad na kaanak ng kaniyang asawa sa Cabusao, Camarines Sur, pagkaraan ng mahigit dalawang taong pagtatago sa Quezon City.
Read more »
Senior citizen na suspek sa umano'y panggagahasa sa bata sa Misamis Occidental, arestadoIsang 79-anyos na senior citizen ang inaresto ng mga awtoridad sa Quezon City dahil sa pagkakasangkot sa umano'y panggagahasa ng isang menor de edad sa Misamis Occidental.
Read more »
Bangkay ng lalaki na may tama ng bala sa ulo, natagpuan sa eskinita sa CaloocanIsang lalaki na bangkay na at may tama ng bala ng baril sa ulo ang natagpuan sa isang eskinita sa Caloocan City.
Read more »