Makakasama ang dragonboat sa mga events ng darating na 2023 Philippine Sports Commission (PSC) Batang Pinoy at Philippine National Games sa Disyembre.
Ito ang sinabi ni kahapon ni Philippine Canoe-Kayak and Dragonboat Federation president Len Escollante sa Tabloids Organization in Philippine Sports ‘Usapang Sports’ sa PSC Conference Room sa Malate, Manila.
Nauna nang isinama ang dragonboat bilang exhibition event sa nakaraang 2023 Palarong Pambansa na idinaos sa Marikina City. Isasagawa ng PCKDF ang International Club tournament sa Nobyembre 13-17 sa Puerto Princesa, Palawan kasunod ang pagsabak ng national team sa isang event sa Penang, Malaysia sa Disyembre.
Matapos ang pitong dikit na kamalasan ay natikman na rin ng ‘three-peat’ champions Letran College ang unang panalo sa NCAA Season 99 men’s basketball tournament.