Daan libong Katoliko nanood ng online Pabasa ng Quiapo Church

Philippines News News

Daan libong Katoliko nanood ng online Pabasa ng Quiapo Church
Philippines Latest News,Philippines Headlines
  • 📰 ABSCBNNews
  • ⏱ Reading Time:
  • 46 sec. here
  • 2 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 22%
  • Publisher: 83%

Daang libong mga Katoliko ang nanood at nakiisa sa Pabasa sa Pasyong Mahal na naka-live stream mula sa simbahan ng Quiapo, Maynila nitong Lunes.

Nagsimula ang Pabasa ng alas-7 ng gabi ng Lunes Santo. Ang unang set ay natapos ng alas-11 ng gabi at may higit 230,000 views sa loob ng apat na oras. Ang pangalawang set naman na nagsimula ng alas-11 ng gabi at natapos ng alas-3 ng madaling araw at may 100,000 views.

Hindi pa tapos sa ngayon ang pangatlo at huling set at inaasahan din na magkakaroon ng libo-libong views ang nasabing aktibidad. Ang Pabasa ay isa sa mga inaabangan aktibidad ng Semana Santa na karaniwang ginagawa sa harap ng simbahan ng Quiapo sa Plaza Miranda ngunit dahil sa enhanced community quarantine, napagdesisyunan ng gawin itong online at para na rin mas maraming mananampalataya ang kayang maabot.

Pagkatapos ng pabasa, ila-livestream din ngayong Martes Santo ang 5 a.m. mass, 6 a.m. mass at tatlong misa pa sa hapon. Lahat ng misa ay online at sarado ang simbahan sa publiko para maiwasan ang pagtitipon ng maraming tao sa gitna ng COVID-19 pandemic. Samantala, ang Baclaran Church ay may online Holy Week Recollection 5:30 ng hapon ngayong Martes Santo. Maaring panoorin nang libre ang recollection sa Facebook page ng Baclaran Church para makapagnilay ngayong Semana Santa.

We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

ABSCBNNews /  🏆 5. in PH

Philippines Latest News, Philippines Headlines

Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.

Online delivery ng mga gulay, inilunsad ng pamahalaan ng Quezon CityOnline delivery ng mga gulay, inilunsad ng pamahalaan ng Quezon City
Read more »

'Pantawid ng Pag-ibig': Mga nasunugan sa Parañaque inabutan ng tulong'Pantawid ng Pag-ibig': Mga nasunugan sa Parañaque inabutan ng tulong
Read more »

Duterte says 'inclined to extend' Luzon lockdown until April 30Duterte says 'inclined to extend' Luzon lockdown until April 30
Read more »

Ospital sa Iloilo City nais ipadagdag ng alkalde bilang COVID-19 testing centerOspital sa Iloilo City nais ipadagdag ng alkalde bilang COVID-19 testing center
Read more »



Render Time: 2025-04-13 05:45:50