Patay sa pamamaril ang isang empleyado sa city hall ng Pagadian City habang naglalakad sa footbridge. Ang biktima, ilang beses na umanong pinagtangkaan ang buhay noon pero nakaligtas.
Sa ulat ng GMA Regional TV "One Mindanao" nitong Martes, kinilala ang biktima na si Caloy Andal, 44-anyos, na pinagbabaril habang pauwi ng kaniyang bahay sa Barangay Cabingaan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, naglalakad sa footbridge ang biktima kasama ang kaniyang kaibigan nang sumulpot ang salarin at pinagbabaril si Andal. Kaagad na nasawi ang biktima dahil sa tama ng bala sa ulo at katawan. Napatalon naman sa dagat ang kaniyang kaibigan dahil sa takot.Ayon sa pulisya, nagsisilbi rin ang biktima na purok president, at hinihinalang nakaaway nito ang suspek sa isang case settlement sa barangay noong nakaraang Mayo.
Ang naturang case settlement sa suspek ang isa sa mga titingnan ng mga awtoridad na posibleng motibo sa krimen. Sinabi naman sa barangay official, ilang beses nang pinagtangkaan ang buhay ng biktima noon pero nakaligtas siya.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
4 ang gipamusil sa Cebu City; 2 pataySunStar Publishing Inc.
Read more »
Commercial flight operations at Pagadian airport resumeCommercial flight operations at the Pagadian Airport in Pagadian City, Zamboanga del Sur, have resumed after rehabilitation of its runway was completed.
Read more »
Rama laments changes at City HallSunStar Publishing Inc.
Read more »
Garcia makes ‘minor adjustment’ at City HallSunStar Publishing Inc.
Read more »
Police hunt killer of former Cebu City Hall employee; love triangle eyedSunStar Publishing Inc.
Read more »
Tokyo City Hall is developing a dating app to encourage marriage and childbirthTOKYO (AP) — Called 'Tokyo Futari Story,' the city hall's new initiative is just that: An effort to create couples, 'futari,' in a country where it is increasingly common to be 'hitori,' or alone.
Read more »