Aminado ang Filipino Olympian na si Eumir Marcial na marami pa siyang paghahandang kailangang pagdaanan para sa 2024 Paris Olympics.
Ang pinakamagagaling na boksingero sa buong mundo ang kanyang makakasagupa sa Paris.
"Sa Europe ang-lalaki at ang-tatangkad din ng kalaban. 'Yung sa Oceana-Australia magagaling din po," sabi ni Marcial sa panayam sa CNN Sports Desk.Hindi rin biro na naka silver medal si Marcial dahil umakyat siya mula middleweight papuntang light heavyweight class. Dati nang nanalo si Marcial ng bronze medal nung sumabak siya sa Tokyo Olympics. Pero pangarap niyang makaginto sa Paris.
Umaasa rin si Marcial na makakapag-qualify din ang kanyang boxing teammates tulad nina Olympic silver medalist Nesthy Petecio at Carlo Paalam sa mga darating na Olympic qualifiers. "Sa mga kasamahan ko sa boxing kung kaya nilang mag-qualify, lahat ng weight class mas maganda," aniya. "Iba yung magkakasama kayo, malaking bagay 'yun."