Isang 11-anyos na bata ang patay matapos umanong sakalin sa Bago City sa Negros Occidental nitong Martes.
Ayon sa pulisya, ang kanyang 28-anyos na pinsan ay pinaghihinalaang may kinalaman sa pagkamatay ng bata. Inaresto na ang suspek.
Sa imbestigasyon, Martes ng umaga nang tumungo ang suspek sa bahay ng biktima. Walang nakakaalam kung ano ang nangyari sa bahay. Kinarga umano ng suspek ang biktima at dinala ito sa kapatid nito, na menor de edad din, dahil hindi na humihinga ang biktima.Ayon sa pulisya, sinabi ng suspek na posibleng nasakal ang biktima sa duyan ng bahay nila.
Nagduda naman ang pulisya sa pahayag ng suspek dahil masyadong malaki umano ang mga pasa sa leeg ng biktima kung ikukumpara sa marka ng tali ng duyan.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
'Marawi hero,' patay sa engkuwentro sa Isabela
Read more »
9 patay sa karambola sa Rizal
Read more »
Ilang bahay, gusali sa Davao del Sur, nawasak matapos ang lindol
Read more »