Isang babae ang nakitang patay sa gilid ng kanal sa Binangonan, Rizal nitong Martes ng umaga.
Sa ulat ni Oscar Oida sa GMA News "24 Oras," kinilala ang biktima na si Janiclear Cahilig, 31-anyos, natagpuan ang bangkay sa Quarry Road dakong 7:00 a.m."'Yun po ay madamo madilim wala pong ilaw sa poste at walang CCTV doon. Maaari po ito na hinataw po ng matigas na bagay sa ulo," ayon kay Police Lieutenant Evangeline Santos, hepe ng Binangonan Police.
Kinilala ng live-in partner ng biktima na si Roceller Lanon ang bangkay ni Cahilig. Lunes daw ng hapon dakong 4:00 pm nang huli niya itong nakita. "Pinagluto pa nga niya ako. Pagkatapos niya pong magluto nagpaalam lang po siya na maghahatid ng pagkain sa kabila sa kabilang bahay po. Tapos di na siya nakabalik. Pero noong time na 'yon nakapagpaalam pa siya sa anak ko na may pupuntahan daw siya," sabi ni Lanon."Sa gumawa nito sa asawa ko, pagbabayaran niyo ito. Hindi kayo makakatakas," sabi ni Lanon.
May hawak na umanong mga CCTV footage ang awtoridad na inaasahang makatutulong para malutas ang kaso.-- FRJ, GMA Integrated News
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Sunog, sumiklab sa isang palengke sa Barangay Bago Bantay, QCSumiklab ang sunog sa isang palengke sa Barangay Bago Bantay sa Quezon City nitong Lunes ng umaga.
Read more »
Senator Go supports construction of Bono-Bongat Road in Rizal, KalingaSenator Christopher “Bong” Go expresses his support for the ongoing construction of the Bono-Bongat Road in Rizal, Kalinga, emphasizing the importance of infrastructure development in driving progress and economic growth in the area.
Read more »
Sunog, sumiklab sa isang palengke sa Barangay Bago Bantay, QCSumiklab ang sunog sa isang palengke sa Barangay Bago Bantay sa Quezon City nitong Lunes ng umaga.
Read more »
Pres. Marcos, sinabing 'doomed to fail' ang panawagang ihiwalay ang Mindanao sa PilipinasMuling iginiit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na labag sa Saligang Batas ang paghiwalay ng Mindanao sa Pilipinas, at hindi magtatagumpay ang panawagan para rito.
Read more »
Motorboat Struck by Another Vessel in Cebu CityA motorboat was struck by another vessel near the Malacañang sa Sugbo in Cebu City. No injuries or oil spill were reported.
Read more »