Pinapaalalahan ang publiko sa posibleng mga pagbaha at landslides dahil sa patuloy na pag-ulan bunsod ng paglakas ng bagyong Jenny na inaasahang magiging isa nang “severe tropical storm” ngayong Linggo at maaabot ang typhoon category sa Lunes o Martes.
Base sa 5pm advisory ng PAGASA kahapon, ang sentro ng bagyo ay naitala sa layong 995 kilometro ng silangan ng Central Luzon taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 80 kilometro bawat oras.
Bagama’t hindi pa direktahang nakakaapekto sa bansa ang bagyo sa ngayon, pero dahil sa proximity ng track forecast nito sa Extreme Northern Luzon ay may malakas na pag-ulan sa Batanes at Babuyan Islands sa Martes o Miyerkules. Paiigtingin naman ng bagyo ang habagat kaya’t makakaranas ng paminsan- minsang pag-ulan sa western portions ng Southern Luzon at Visayas ngayong lingo.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
LPA, isa nang bagyong JennyIsa nang bagyo na tinawag na “Jenny” ang low pressure area na namataan sa silangan ng Central Luzon.
Read more »
‘Jenny’ magiging severe tropical stormPatuloy na lalakas ang bagyong Jenny at inaasahang magiging isang severe tropical storm ngayong Linggo at maaabot ang typhoon category sa Lunes o Martes.
Read more »
'Jenny' becomes severe tropical storm, brings heavy rainsJenny was last located 790 kilometers east of Tuguegarao City in Cagayan, with maximum sustained winds reaching 95 km per hour near the center and gusts up to 115 kph.
Read more »
Jenny develops into severe tropical storm, will enhance HabagatJenny (international name: Koinu) intensified into a severe tropical storm late Sunday morning, according to state weather bureau PAGASA.
Read more »
Jenny now a severe tropical storm, enhancing southwest monsoonEastern parts of Luzon and the Visayas face rain from the trough of Severe Tropical Storm Jenny (Koinu) on Sunday, October 1. A few areas are also affected by the enhanced southwest monsoon.
Read more »