SAN MATEO, Isabela - Patay sa pamamaril ang bagong talagang administrator sa bayan ng San Mateo, Isabela Lunes ng gabi.
Ayon kay Police Captain Frances Littaua, tagapagsalita ng Isabela Polive Provincial Office, dalawang lalaking nakamotorsiklo ang nakita umano na sumusunod sa biktima na noon ay nagmamaneho ng kaniyang kotse.
Habang binabaybay ang pambansang lansangan ng Barangay Dagupan ay doon na dinikitan ng mga salarin ang driver's side bago malapitan na binaril ng backrider si Hernandez. Nadala pa sa ospital ang biktima, pero habang nilalapatan ng lunas ay pumanaw dahil sa tinamong tama ng bala sa dibdib.Dagdag ni Littaua, galing sa inauguration ng mga bagong halal na opisyal ang biktima kung saan siya ay itinalaga din bilang municipal administrator.
Dating punong barangay, naupong ex-officio member sa Sangguniang Panlalawigan nang maging ABC President, at farmer sectoral representative din si Hernandez.Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.