Naging kontrobersiyal ang ad campaign para sa melatonin pills nang palitan ng 'Gil Tulog' ang signages na Gil Puyat Avenue sa Makati. Pero bago naging Gil Puyat, kilala ang lugar bilang (Nicolas) Buendia Avenue. Alamin kung sino sila.
Ayon sa Senate website, si Gil J. Puyat ay nahalal na senador noong 1951, at naging Senate hanggang matapos ang kaniyang termino noong 1973.
Si Puyat ang Senate President nang ideklara noon ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ang Martial Law noong 1972.Sa edad na 33, itinalaga nang noo'y Pangulong Manuel L. Quezon si Puyat bilang dean ng College of Business Administration sa University of the Philippines. Dahil sa kaniyang edad na 33, siya ang kinikilalang youngest dean sa UP.
Noong 1982, ipinangalan kay Gil Puyat ang kalye na dating nakapangalan kay Nicolas Buendia , sa bisa ng Batas Pambansa Bilang 312.Isinilang sa Malolos, Bulacan noong March 12, 1879, nagtapos si Buendia ng kursong Bachelor of Arts sa Liceo de Manila, at natanggap sa Philippine Bar noong 1910. Noong panahon ng pananakop ng Kastila, siya ang naging first lieutenant ng Infantry of the Philippine Revolutionary Army. Sa panahon naman ng pananakop ng mga Amerikano, naging Municipal Secretary, Municipal Councilor, Municipal president ng Malolos, at gobernador ng Bulacan si Buendia noong 1916 hanggang 1919.
Isa si Buendia sa mga founder ng Philippine Independent Church. At nahalal na delagado sa Constitutional Convention mula sa first district ng Bulacan noong 1934.--Babaeng inakalang dinukot at pinatay, lumitaw na buhay pala; bangkay na nakita, sino kaya?
Btbtalakayan Trivia Buendia Gil Puyat Btbtrending
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Melatonin brand under fire after marketing stunt changes Gil Puyat Ave. sign to Gil Tulog Ave.Defining the News
Read more »
'Gil Tulog' Avenue sa Makati, iniutos ni Mayor Binay na ibalik na sa Gil PuyatIniutos ni Makati Mayor Abby Binay na alisin na ang mga inilagay na signages na “Gil Tulog Avenue” na bahagi ng advertising campaign, at ibalik ang orihinal nitong pangalan sa Gil Puyat.
Read more »
Binay apologizes to family of Gil Puyat following 'Gil Tulog' advertising controversyMakati City Mayor Abigail Binay apologized on Friday to the family of the late Senate President Gil Puyat after the street sign was renamed from Gil Puyat Ave. to Gil Tulog Ave. as part of a marketing ploy by an advertising agency.
Read more »
EXCLUSIVE: Puyat family files complaint vs ad agency suspected of doing ‘Gil Tulog’ signsVictor Puyat says he and his family want the ad agency in question to be 'suspended or banned' from the Ad Standards Council
Read more »
‘Violated’: Puyat family says ‘Gil Tulog’ signs for marketing stunt crossed the lineMakati City Mayor Abby Binay orders the takedown of the street signs posted along Gil Puyat Avenue, saying these did not reach her office
Read more »
Puyat family files complaint vs. ad agency over Gil Tulog campaignLatest Philippine news from GMA News and 24 Oras. News, weather updates and livestreaming on Philippine politics, regions, showbiz, lifestyle, science and tech.
Read more »