Dahil sa mga modernong teknolohiya, nagiging madali nang magmanipula ng mga video o larawan. Pero may paraan upang malaman kung 'deepfake' ang napapanood o nakikita sa social media o internet.
Dahil sa mga modernong teknolohiya, nagiging madali nang magmanipula ng mga video o larawan. Pero may paraan upang malaman kung "deepfake" ang napapanood o nakikita sa social media o internet.
Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Lunes, nagbigay ng ilang tips ang GMA Sparkle artist Kevin Miranda kung papaano maiispatan ang deepfake. Pagmasdang mabuti ang mukha ng larawan at mapapansin na parang may "off" sa kurbada nito o tila masyadong malinis. Sa video naman, masdan ang mukha kung may pagkunot at pagkurap ng mata. Ganoon din ang facial hair kung tila hindi natural. Masdan kung may hindi kapani-paniwalang nunal at "matulis" ang mga kanto ng mukha. Suriin kung hindi pantay ang skin tone o kulay ng balat sa katawan at mukha.
Ayon sa mga eksperto, ilan sa mga tips ay madali pang makita dahil hindi pa kayang napulido ng artificial intelligence. Gayunman, ipinapayo na tingnan ang higit pa sa kalidad ng video o larawan at pag-aralan ang nilalaman at suriin ang intensyon nito para hindi maging biktima ng fake news.—FRJ, GMA Integrated News
Btbtalakayan Deep Fake Fake News Btbtrending
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Helmet cleaning vendo machine, epektibo kayang nakakalinis at kumusta naman ang kita?Dahil mainit at maulan ang panahon sa Pilipinas, hindi maiiwasan na magkaroon ng amoy ang helmet. Kaya ang ibang customer ng mga motorcycle taxi, nagrereklamo. Pero no worries na dahil sa vendo machine na kaya raw maglinis ng helmet in just eight minutes. Pasado naman kaya ito sa mga rider? Alamin.
Read more »
Alamin kung sino ang 'girl crush' ni Katrina Halili na gusto ulit niyang makatrabahoMatapos na pumirma ng kontrata sa Sparkle, inihayag ni Katrina Halili na gusto ulit niyang nakatrabaho ang Kapuso actress na 'girl crush' niya.
Read more »
Tanod sa Cebu na binaril sa dibdib, hindi raw tinablan ng bala dahil sa anting-anting?Hindi na nakaiwas ang isang barangay tanod nang tambangan at barilin siya ng isang lalaking sakay ng motorsiklo sa Talisay City, Cebu. Tinamaan siya sa dibdib pero hindi bumaon ang bala at nag-iwan lang ng bahagyang sugat.
Read more »
73 Pinoy, nasakote sa Laos dahil sa cyber scamKabilang ang 73 Pilipinas sa halos 800 katao na nasakote ng mga awtoridad ng Laos sa kanilang kampanya laban sa cyber scam. Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), kumikilos na ang Pilipinas upang matulungang makauwi sa bansa ang mga Pinoy.
Read more »
Ilang estudyante, nahilo at nawalan ng malay dahil umano sa panic attack sa SorsogonNakaranas ng panghihina, pagkahilo at kawalan ng malay umano ang ilang estudyante sa isang eskuwelahan sa Bulan, Sorsogon. Hinala ng mga awtoridad, dahil ito sa panic attack na bunga ng hindi sapat na nutrisyon.
Read more »
Lalaki, nagpaputok ng baril habang hawak ang sanggol na anak dahil daw sa panataNaalarma ang mga netizen nang makita ang social media post na isang lalaki sa Mindanao ang ilang beses na nagpaputok ng baril habang hawak ang kaniyang sanggol na anak. Ang naturang lalaki, nagpaunlak ng panayam at nagpaliwanag sa kaniyang ginawa.
Read more »