Ngayong summer season na uso ang mga outing at mag-swimming sa beach o sa pool, hindi rin maiiwasan na magka-sunburn. Ano nga ba ang mga paraan upang hindi masunog ang balat sa init ng araw? Alamin.
Sa programang Unang Hirit nitong Martes, sinabi ni Dr. Lala Sanchez, Aesthetic Dermatologist and Anti-Aging Medical Specialist, na maaaring magka-sunburn ang isang tao nakabadad ito nang at least three to four hours sa init ng araw."Kapag ikaw halimbawa ay nag-beach o ikaw ay nagpunta sa pool, puwede rin pong magka-sunburn kasi ‘yung combination ng init ng araw at chlorine or ‘yung salt ay puwede mag-cause ng sunburn,” paliwanag ni Sanchez.
Para maiwasang magka-sunburn, iminungkahi ni Dra. Sanchez ang paglalagay ng sunscreen sa buong katawan. Siguraduhin ding uminom ng maraming tubig bago lumabas, at gumamit ng added protection gaya ng oral sunscreen, mga sombrero o payong.Hinikayat din ni Sanchez na iwasang lumabas sa mga oras na mula 9 a.m. hanggang 4 p.m. na tirik ang sikat ng araw.Para magamot ang sunburn, maaaring maligo agad ng malamig na tubig at gumamit ng mild soap, o aloe vera gel kung talagang masakit o mahapdi ang balat.
Kung kaya naman sunscreen na ang ginagamit na nahahati sa dalawa, na isang physical sunscreen at chemical sunscreen. -- FRJ, GMA Integrated News
Btbtalakayan Sunburn Unang Hirit Summer Heat Btbtrending
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Mga pagkain at gamot na hindi dapat pagsabayin dahil itinuturing 'kontra-pelo,' alamin!Ibinahagi ng isang doktor na mayroon mga pagkain na hindi dapat isinasabay sa pag-inom ng ilang gamot dahil magdudulot ito ng masamang epekto o reaksyon sa katawan, o mawawalan ng bisa ang gamot. Alamin kung ano ang mga pagkain at gamot na ito?
Read more »
Reaksyon ni Carla Abellana sa bagong love life ni Tom Rodriguez, alaminNauna nang ihayag ni Carla Abellana na handa siya sakaling mag-krus man ang landas nila ni Tom Rodriguez, pero ano naman kaya ang masasabi niya na may bago nang love life ang kaniyang ex-husband?
Read more »
Alamin ang schedule ng ilang mall sa Maundy Thursday at Good Friday sa Holy WeekUpang mapaghandaan ang mga kailangang gawin o bibilhin sa malls sa Holy Week, alamin ang schedule ng ilang malls sa Metro Manila sa Holy Week.
Read more »
Targeted, turbo-charged disinformation: Mga banta ng AI sa mga halalan ngayong 2024'What artificial intelligence allows an information warrior to do is have very targeted misinformation and to do that at scale, meaning, you do it to hundreds or thousands, maybe even millions of people,' saad ni Michael Chertoff, dating US Secretary of Homeland...
Read more »
ALAMIN: Mga sintomas at first aid laban sa 'heat stroke'Umaabot sa 42°C pataas ang heat index sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas dulot ng 'warm and dry season' — bagay na posibleng mauwi sa heat cramps, heat exhaustion o heat stroke. Pero ano ba ang dapat gawin oras na tamaan ito?
Read more »
DFA, hinikayat ngayong Ramadan na ihingi ng clemency ang nakakulong na mga Pinoy sa abroadInihayag ng isang mambabatas na dapat pag-ibayuhin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ngayong holy month ng Ramadan na ihingi ng executive clemency ang mga Pilipino na nakakulong sa abroad, partikular sa Muslim countries.
Read more »