Arestado noong Miyerkoles ang 7 katao sa buy-bust operation sa Quezon City, kung saan nakumpiska ang P170,000 halaga ng hinihinalang shabu.
Matapos bentahan ng hinihinalang shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer, dinampot ng mga awtoridad ang 7 suspek na may mga edad 20 hanggang 57, ayon sa ulat mula sa National Capital Region Police Office.
Nangyari ang operasyon bandang alas-11 ng gabi sa may San Ignacio Street sa Barangay Gulod, Novaliches, ayon sa pulisya. Kabilang umano sa nakumpiska sa mga suspek ang 11 sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 25 gramo, buy-bust money, isang cellphone, at isang tablet . Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, sabi ng pulisya.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
DOH: COVID-19 cases in Quezon City rise to 625
Read more »
OVP’s newest dorm to cater to frontliners in Fairview, Quezon CityThe newest dormitory initiated by the Office of the Vice President (OVP) and its partner-agencies will cater to frontline and health workers fighting the COVID-19 pandemic in the northern part of Quezon City. | GabrielLaluINQ
Read more »
DOH: COVID-19 cases in Quezon City now at 670
Read more »
Quezon City bans acts of discrimination vs COVID-19 patients, frontliners
Read more »
Dagupan City mayor donates 8 months salary for COVID-19 test kits
Read more »