Pero ngayong lockdown, nasanay na itong gumamit ng gadget para malibang sa bahay.
"Bago po mag-lockdown hindi naman sya ma-computer o ma-gadget kasi hindi po namin sya binibigyan ng phone so nag-start lang po talaga nung na-lockdown dun lang po talaga sya naging dependent sa phones," ani Samson.
"We tried to control naman po pag medyo pag napapansin namin more than four hours na siyang nakababad kaya pinipigilan namin syang humawak ng phone. Ang kinakatakot po namin baka madalas na po pag nag-classes na po so ayun po," ani Kevin. “Most of the kids complaint of eye strain because during the lockdown madalas nasa harap sila ng TV or naglalaro sila ng gadget,” ani Dr. Fay Cruz.
“’Yung digital eye strain hindi rin yan bago sa mga matatanda lalo na sa mga nagwo-work from home makakaranas talaga tayo niyan mapapansin ninyo may mga batang magsasabi ng sumasakit yung ulo nila mahapdi ang mata naluluha o yung ibang bata since hindi sila makapag-complaint mapapansin niyo either pikit nang pikit or blink nang blink o nagkukusot ng mata,” ayon kay James Abraham Lee, isang pediatric opthalmologist.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Paano magbigay ng first aid sa taong inaatake sa puso?
Read more »