'Maghanda tayo sa hindi sa paraan ng pag-iipon ng kayamanan na materyal na bagay kung hindi sa pag-iipon ng napakaraming kabutihan (Lucas 12:39-48).'
Dapat din matakot at mag-isip-isip ang mga pilosopong tao na nangangatwiran na “mas matagal mamatay ang masamang damo." Dahil magiging huli na sa kanila ang lahat kapag dumating ang kanilang araw nang paglisan sa mundo
Tuwing umaga bago magsimula sa kaniyang trabaho bilang driver, nagdadasal si Tony sa harapan ng grotto sa hardin. Madalas siyang nakikita ng mayamang amo, at iniisip na masyadong relihiyoso si Tony. Buong pagmamalasakit na sinabi ni Tony sa kaniyang amo na batid niyang napakayaman na tao na, “Sir, mag-ingat po kayo.”
Subalit maya-maya lamang, kumatok sa kaniyang pintuan ang anak ni Tony. Ibinalita nito sa mayamang amo na hindi na makakapasok ang kaniyang ama dahil pumanaw ito kaninang hating-gabi. Mababasa natin sa Ebanghelyo na katulad ng magnanakaw ay hindi nagbibigay ng babala ang kamatayan kung kailan aatake. Kung alam lang sana natin, malamang makakapaghanda tayo.
Sa halip na materyal na bagay o kayamanan ang ipunin na hindi naman natin madadala kapag sumapit na ang takdang araw ng ating kamatayan, mas dapat na mag-impok tayo ng napakaraming kabutihan. Dahil pagharap natin sa Panginoon, makikita Niya na tayo ang pinakamayaman sa Kaniyang paningin.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Lalaking may sumpak na hindi target sa operasyon, sugatan nang makipagbarilan sa mga pulisSugatan ang isang lalaking may sumpak matapos siyang makipagputukan sa pulisya kahit hindi naman siya ang target ng anti-gambling operation sa Quezon City. Ang suspek, may kaso palang attempted homicide at madadagdagan pa ng reklamo.
Read more »
Palengke vendors battle inflation: ‘Kaya pa rin, kahit hindi na kaya’Consumers have all felt the pinch of inflation. But with food prices still rising, how have wet market vendors been coping?
Read more »
BuCor OIC Catapang eyes body cameras for personnel“Kasi meron akong i-implement ngayon na mass cam. Ang purpose is to guard the guardians. Sila may body cam hindi para bantayan ‘yung mga preso,” Catapang said in an interview on Super Radyo dzBB.“Binibigyan ko sila ng dahilan para hindi na mautusan ng mga drug lords, na maging accomplices," he added.
Read more »
Lalaki, kamuntikang maipit nang maatrasan ng truck ang nakaparadang mga sasakyanNakaligtas ang isang lalaki mula sa pagkakaipit nang maatrasan ng isang truck ang mga nakaparadang pickup truck at patrol car sa tapat ng presinto sa Cagayan de Oro City.
Read more »