Pulis patay sa Negros Occ. matapos barilin habang nagjo-jogging kasama ang mayor

Philippines News News

Pulis patay sa Negros Occ. matapos barilin habang nagjo-jogging kasama ang mayor
Philippines Latest News,Philippines Headlines
  • 📰 ABSCBNNews
  • ⏱ Reading Time:
  • 22 sec. here
  • 2 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 12%
  • Publisher: 83%

Patay ang 37 anyos na si Police Staff Sargeant Ildefonso Casugod matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang gunman sa Reclamation Area ng bayan ng Pontevedra sa Negros Occidental, Martes ng umaga.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, nagjo-jogging si Casugod alas-6 ng umaga, kasama si Mayor Jose Maria Alonzo, nang bigla na lang itong lapitan ng gunman at binaril sa ulo, na naging sanhi ng kaniyang pagkamatay.

Ayon sa officer-in-charge ng Pontevedra Police na si Captain Hancel Lumandaz, tanging ang pulis lang ang target ng salarin. May iba pa silang mga kasamahan, ngunit walang nakakilala sa salarin dahil naka-face mask ito at naka-suot ng hood ng kaniyang jacket.Ayon kay Lumandaz, posible na ang trabaho bilang intelligence officer ng Pontevedra Police ang naging motibo sa pagpatay kay Casugod.- ulat ni Romeo Subaldo

We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

ABSCBNNews /  🏆 5. in PH

Philippines Latest News, Philippines Headlines



Render Time: 2025-03-19 06:50:46