Prov’l health office nababahala sa pagtaas ng COVID19 cases sa Negros Occidental
Ikinababahala ng Provincial Health Office ng Negros Occidental ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan.
Umabot na sa 85 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa lalawigan. Nitong Martes, 2 bagong kaso ang naitala ng Department of Health Region 6. Kapwa residente ng Bago City ang dalawang bagong kaso, kung saan ang isa ay 25 anyos na babaeng repatriated overseas Filipino worker, habang ang isa naman ay 30 anyos na locally stranded individual na kababalik lamang sa lalawigan.Bagama't nakakabahala ang pagtaas ng bilang ng mga kaso, sinabi ni Dr. Ernell Tumimbang, Provincial Health Officer, na walang dapat ikabahala ang publiko dahil ginagawa ng lokal na pamahalaan ang lahat para mapigilan ang patuloy na pagkalat ng sakit.
Naniniwala si Tumimbang na posibleng madagdagan pa ang mga kaso dahil tumataas din ang COVID-19 cases sa mga karatig probinsya pero aniya'y mas paiigtingin pa ng probinsya ang protocol nito sa bumabalik na mga stranded at repatriated OFWs pati na ang mga nanggagaling sa Iloilo.Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Football: One positive in latest Premier League COVID-19 tests, total now 19
Read more »
3 residenteng umuwi sa Negros Oriental, nagpositibo sa COVID-19
Read more »
HIV treatment found to have no benefit for hospitalized COVID-19 patients in trial
Read more »
Lift restrictions in areas with no or few COVID-19 cases, ex-MSU president advises gov’t
Read more »
Priests at the frontlines in M.Manila, Calabarzon Region to undergo COVID-19 testsPriests serving on the frontlines of the coronavirus outbreak in Metro Manila and in the Calabarzon Region (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) are expected to undergo tests with the help of the private sector.
Read more »
Cebu City’s COVID 19 cases ‘very much alarming’ – GalvezThe number of severe and critical COVID 19 cases in Cebu City is rising along with the death rate, which is “very much alarming” and underscores the need to continue strict lockdown restrictions in the area. | LeilasINQ
Read more »