Watch more in iWant or TFC.tv MAYNILA - Ikinalungkot ng Philippine National Police Academy ang pagkamatay ng isa sa kanilang kadete dahil sa heatstroke.
“Yung PNPA family natin was deeply saddened dito sa untimely demise ng ating kapatid na si 4th Class [Kenneth Ross] Alvarado that was the other day. We are now in half mast, masakit sa pamunuan ng ating PNPA because of this incident,” pahayag ni Lt. Col. Byron Allatog, tagapagsalita ng PNPA.
Miyerkoles nang biglang mag-collapse si Alvarado habang nasa formation. Agad naman siyang nadala sa ospital kung saan siya namatay. Sabi ni Allatog, patuloy na gumagawa ng hakbang ang PNPA tulad ng pag-aadjust nito ng kanilang measures sa new cadet program kung saan ang bawat kadete ay may bitbit na ring canteen ng tubig kahit saan sila magpunta.
“From the health service, meron tayong ibinigay ng health authorities na hydrite mini-mix nila sa tubig na palagi nilang iniinom to supplement the loss of fluid in the course of their training,” sabi ni Allatog.Si Alvarado ay bahagi ng 306 na kasalukuyang kadete ng PNPA.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
PNPA cadet dies of heat strokeA newly entered cadet of the Philippine National Police Academy (PNPA) died of heat stroke during their initial training at the police campus in Silang, Cavite. Brig. Gen. Bernard Banac PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac said
Read more »
PNPA cadet dies due to heat stroke
Read more »
Unyon ng mga manggagawa sa ABS-CBN, umapela kay Duterte para sa prangkisa ng network
Read more »
'Fallen hero': 1 sa 4 sundalong napatay ng mga pulis sa Jolo inilibing na sa Kalinga
Read more »