‘Parang buhawi’: Ilang estruktura, kabuhayan pinadapa ng bagyong AmboPH
MAYNILA - Aabot na sa apat ang naitalang patay sa pananalasa ng bagyong Ambo, na nagdulot ng landslide, baha, at iba pang pinsala sa iba ibang parte ng Luzon at Visayas sa loob ng ilang araw.
Isa rito ang pamilya Salvador, na nakatira sa Barangay Kawayan Uno. Parang dinaanan daw sila ng dambuhalang buhawi. Isang senior citizen naman ang naitalang patay matapos mabagsakan ng gumuhong pader sa bayan ng Catanauan, Quezon. Watch more in iWant or TFC.tv Sa Atimonan, Quezon, naapektuhan ang hanapbuhay ng mga magniniyog ngayong pinadapa ng bagyo ang kanilang mga puno. Ayon sa Quezon disaster office, matinding naapektuhan ang agrikultura sa kanilang lugar, partikular na ang pagniniyog kung saan kilala ang Quezon. Aabot aniya sa halos P2 bilyon ang naging pinsala sa agrikultura sa Quezon.
“Ang hangin parang umiikot, malakas, di ako makapaniwala; salamat sa Diyos at niligtas ang pamilya ko,” ani Beguia. Watch more in iWant or TFC.tv Sa bayan ng Casiguran, Aurora, binaha ang may 11 barangay pero humupa na ito makalipas ng ilang oras.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
'Pantawid ng Pag-ibig': 1,500 food packs hatid sa ilang barangay sa QC
Read more »
Oil price hike sasalubong sa mga motorista sa pagluwag ng lockdown sa ilang lugar
Read more »
1 patay, 3 sugatan sa Eastern Samar sa pananalasa ng bagyong Ambo
Read more »