Sa kauna-unahang pagkakataon, bibida sa pelikula ang aktor na si Paolo Gumabao sa ilalim ng direksyon ni Joel Lamangan.
Si Gumabao ang napiling gumanap sa pangunahing karakter ng “Lockdown” na iikot sa mga pagsubok na kinaharap ng isang lalaki upang mabuhay sa gitna ng pandemya. “‘Lockdown’ is a timely drama featuring Paolo Gumabao in his first starring role. It’s a poignant story about the struggle of a young man to survive the global pandemic and the naked truth about the life he chose to live,” ayon sa inilabas na poster ng Star Magic.
Makakasama ni Paolo sa pelikula sina Max Eigenmann, Jim Pebanco, Ruby Ruiz, and Angellie Nicholle Sanoy.Huling napanood ang aktor sa iWantTFC horror anthology na “Horrorscope.” Nakilala rin ito noong 2019 sa kaniyang karakter sa iWant original series na “Mga Batang Poz” na tumatalakay sa iba’t ibang kuwento ng mga Pinoy teenager na mayroong HIV.
Naging parte rin ito sa ABS-CBN series na “Oh My G!” ni Janella Salvador at pelikulang “Haunted Mansion” noong 2015.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
CDN Digital turns spotlight on barangays as it launches ‘Sa Cebu Ra Ni’ seriesCDN Digital remains committed to provide relevant information to its readers, especially to those in the barangays who continue to do their part and stay at home amid these trying times. With its commitment to community journalism, CDN Digital launches “Sa Cebu Ra Ni,” a new series featuring stories from the barangays of Cebu City. […]
Read more »
Rita Daniela cooks for 'Ang Dalawang Ikaw' production team as show finishes tapingPinagluto ni Rita Daniela ng special scrambled eggs and kanyang co-stars at production team ng 'Ang Dalawang Ikaw' na aabot sa 100 katao.
Read more »
Pacquiao, desididong tumakbo sa pagka-Pangulo sa 2022: PuentevellaHindi na umano mapipigilan si Senador Manny Pacquiao na tumakbo sa pagka-Pangulo sa halalan sa 2022, sabi ngayong Lunes ng isa niyang malapit na kaibigan.
Read more »