MAYNILA — Isinusulong ngayon sa Senado ang paglalagay ng kinatawan ng mga konsumer sa mga ahensiyang nagtatakada ng singil sa kuryente at tubig pati ng pasahe sa mga pampublikong sasakyan.
Sa panukala ni Sen. Ralph Recto, dapat gawing mandatory ang consumer representative sa mga regulatory agency gaya ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System, Local Water Utilities Administration, Energy Regulatory Commission, National Telecommunications Commission, at Toll Regulatory Board.
Kasali rin ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Civil Aeronautics Board, at Maritime Industry Authority. Iginiit ni Recto na dahil mga konsumer ang nagbabayad, dapat lang na may kinatawan sila sa loob ng ahensiya lalo na kung dagdag-singil ang pagpapasyahan. Balak din ng Bayan Muna party-list na maghain ng parehong panukala sa Kamara pero dapat daw ay lehitimong consumer group ang pipili ng kinatawan.
Dagdag pa ni Recto ay puwede ring magtalaga ng consumer representative sa board ng Ninoy Aquino International Airport at Philippine Ports Authority para mapangalagaan naman ang sitwasyon ng pasahero sa mga terminal.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Duterte, nagpaabot ng tulong sa mga pamilya ng biktima ng trahedya sa Iloilo
Read more »
Tindahan ng alahas sa Bacolod City, hinoldap ng mga armadong lalaki
Read more »