Watch more in iWant or TFC.
Watch more in iWant or TFC.tv MAYNILA — May mga gamot na inirereseta angmga doktor para sa mga pasyenteng may sakit sa puso, na maaaring magamit bilang first aid sa oras na may mangyaring atake sa puso, ayon sa isang doktora.
Ang paggamit ng sublingual pill o iyong gamot na inilalagay sa ilalim ng dila ang isang paraan ng first aid para sa mga taong inaatake sa puso, ayon sa cardiologist na si Mariel Barcelon-Cruz. "Kung ikaw ay nandoon ka sa bahay, kasama mo 'yong pasyente o 'yong taong may atake sa puso, tanungin mo... kung may gamot ba siya na. Kasi doon mo kukunin 'yong first aid mo," ani Barcelon-Cruz sa panayam ng "Good Vibes" sa Teleradyo. "Karaniwan diyan 'yong mga doktor nila, nagrereseta 'yan ng mga first aid na gamot para sa sakit ng puso o sa chest pain," paliwanag niya.Kung marunong, mainam ding tingnan ang blood pressure o heart rate ng pasyente, at obserbahan ang consciousness o kung may malay pa ito, ani Barcelon-Cruz. Ayon sa doktor, puwede ulit lagyan ng gamot ang ilalim ng dila ng pasyente kapag hindi nawala ang chest pain makalipas ang 3 hanggang 5 minuto mula nang unang pag-inom."Kung 3 doses ay hindi na-relieve 'yong kaniyang chest pain, kailangan madala na siya agad sa emergency room," ani Barcelon-Cruz. Kapag nawala naman ang paninikip ng dibdib sa tulong ng gamot, kinabukasan ay dapat magpakonsulta umano sa doktor ang pasyente."So halimbawa, nadala 'yong pasyente sa emergency room within 6 hours to a maximum of 12 hours, medyo mataas 'yong posibilidad ng survival kasi... malalagyan ng lunas nang mas maaga ang isang pasyente," paliwanag niya.Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
‘Paano Kita Mapasasalamatan’: Meet the woman, formerly homeless, helping street people
Read more »
PANOORIN: Kathryn Bernardo ipinakita kung paano nakamit ang ‘quaran-toned’ body
Read more »




