Aabot sa P25 milyong halaga ng food products ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs, mga ahente ng National Bureau of Investigation at Coast Guard sa isang warehouse sa sa Bgy.
Anunas sa Angeles City, Pampanga noong Huwebes.
Kinabibilangan ng frozen Peking ducks at kahon-kahon na fish balls, squid balls, gulay, at karne ng baboy ang nasabat sa warehouse, ayon sa mga awtoridad. P25-Million na halaga ng smuggled na food products, nasabat ng mga tropa ng Customs at NBI sa Pampanga.Nasabat ang mga ito sa kahapon sa Brgy. Anunas sa Angeles.Umabot sa 1,149 na kahon ng Peking ducks ang nadiskubre sa warehouse na tinatayang P23 milyon ang halaga.
Ang nalalabing halaga ay para sa kahon-kahong fish balls, squid balls, gulay at karne ng baboy na nadiskubre rin sa naturang warehouse. Ayon sa Customs, malinaw na smuggled ang nasabing mga produkto dahil bawal pa rin ang pag-angkat ng poultry products mula sa mga bansang apektado ng bird flu. Hindi naman tinukoy ng Customs kung sino ang may-ari ng naturang warehouse at kung sino ang posibleng nagpalusot ng nasabing mga smuggled na produkto sa bansa.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
KMJS: Mga patok na negosyo kahit may pandemic, alamin!KMJS: Milk tea at soap business, ilan sa mga negosyo na pumatok sa gitna ng pandemic. Panoorin DITO:
Read more »
Tropical Depression Butchoy in Pampanga, moving toward ZambalesWeatherAlert: Tropical Depression Butchoy is in the vicinity of Mabalacat, Pampanga, early Friday, June 12. ButchoyPH
Read more »
Construction worker nahulihan ng P6.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu
Read more »
Cebu City, nanguna na sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa Pilipinas
Read more »