Ospital sa Antique naka-lockdown matapos magpositibo sa COVID-19 ang doktor

Philippines News News

Ospital sa Antique naka-lockdown matapos magpositibo sa COVID-19 ang doktor
Philippines Latest News,Philippines Headlines
  • 📰 ABSCBNNews
  • ⏱ Reading Time:
  • 51 sec. here
  • 2 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 24%
  • Publisher: 83%

Ospital sa Antique naka-lockdown matapos magpositibo sa COVID19 ang doktor

Pansamantalang isinara ang Barbaza District Hospital sa bayan ng Barbaza, Antique, Martes ng hapon matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang doktor.

Ayon kay Antique Gov. Rhodora Cadiao, Hunyo 22 nang nakadama ng pananakit ng lalamunan ang nasabing doktor kaya agad siyang kinunan ng swab sample.Nilinaw ni Cadiao na nasa mabuting kondisyon ang doktor, pero nananatili ito sa isolation facility. Agad na nagsagawa ng contact tracing ang municipal health workers sa mga nakahalubilo ng doktor, ayon kay Cadiao.Ayon sa gobernador, tinatayang nasa 70 na mga health care worker ng ospital ang isasailalim sa swab test.

Samantala, nakatanggap naman ng impormasyon si Cadiao na isa pa sa positive case sa probinsiya na taga bayan ng Culasi, Antique ang nakararanas ng diskriminasyon. "Huwag nating i-discriminate. Umiiral kasi ngayon 'yung fear, 'yung panic. We want to assure all our constituents that everything is under control. Please trust and have faith on the management of COVID in our province," aniya.Sa 16 na positive cases sa Antique, 14 na ang nakarekober habang 2 ang active cases. -- Ulat ni Cherry Palma, ABS-CBN News

We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

ABSCBNNews /  🏆 5. in PH

Philippines Latest News, Philippines Headlines

Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.

Paano natuklasang positibo sa COVID-19 ang 8 doktor sa IloiloPaano natuklasang positibo sa COVID-19 ang 8 doktor sa Iloilo
Read more »

Babaeng dumalo sa birthday party sa Davao City, nagpositibo sa COVID-19Babaeng dumalo sa birthday party sa Davao City, nagpositibo sa COVID-19
Read more »

'Para kaming kriminal': 3 nurse 'ikinulong' ng condo admin dahil sa COVID-19 scare'Para kaming kriminal': 3 nurse 'ikinulong' ng condo admin dahil sa COVID-19 scare
Read more »

Prov’l health office nababahala sa pagtaas ng COVID-19 cases sa Negros OccidentalProv’l health office nababahala sa pagtaas ng COVID-19 cases sa Negros Occidental
Read more »

3 residenteng umuwi sa Negros Oriental, nagpositibo sa COVID-193 residenteng umuwi sa Negros Oriental, nagpositibo sa COVID-19
Read more »

55 close contact ng BFP personnel na nagpositibo sa COVID-19, nagnegatibo sa sakit55 close contact ng BFP personnel na nagpositibo sa COVID-19, nagnegatibo sa sakit
Read more »



Render Time: 2025-01-26 11:22:52