Beyond the Breaking News

OPINION: Ask Atty. Gaby: Pagkalunod ng 2 varsity players

Ask Atty Gaby News

OPINION: Ask Atty. Gaby: Pagkalunod ng 2 varsity players
OpinionRene BaterboniaDivine Adili

Atty., ano ba ang sinasabi ng batas sa mga school activity o event? Sino ang dapat managot kung may naaksidente?

Atty. , ano ba ang sinasabi ng batas sa mga school activity o event? Sino ang dapat managot kung may naaksidente? Iba ang tingin ng batas insofar as the level of protection is concerned, at nararapat lang ito.

Iba kung mga “baby” natin – mga menor de edad ang involved — or kung ang mga involved ay mga adult children na natin, 'yung mga nasa college na, na kahit papaano, may sarili nang mga diskarte at buhay na hindi na rin masyadong mababantayan at masasabihan. So kung ang involved ay mga menor de edad, ang general rule ay napapaloob ng Article 218 at 219 ng Family Code kung saan kinikilala ng batas na minsan na inihabilin ng isang magulang ang kanyang anak sa paaralan at iniwan ang bata sa gate ng eskwelahan, nagkakaroon ng special parental authority ang eskwelahan, ang mga administrador at teachers nito.

Ibig sabihin, kung may mangyari at may nagawa ang mga bata na dapat ay binabantayan nila, sila ang maaaring managot for damages kung makikita na may pagpapabaya. Ito ay dahil ang mga paaralan, ang teacher at staff nito ay “in loco parentis” — tumatayo sila bilang mga magulang sa mga anak nating menor de edad habang ang mga ito ay nasa ilalim ng kanilang supervision, instruction o custody.

Applicable ang pananagutan ng paaralan kung may mangyari whether it is class time, recess time or outside the school premises — basta school-related activity. So paano na lamang kung college na ang mga students involved? Wala na bang special na responsibilidad ang mga eskwelahan natin porket lampas na sila ng age of minority?

Although hindi na “in loco parentis” ang level na pangangalaga required, may obligasyon pa rin ang mga kolehiyo at unibersidad na siguraduhin ang safety at kapakanan ng mga estudyante lalo na kung ito ay mga off-campus activities na kinakailangan para sa mga meaningful learning experiences. Kasama dito ang mga internships, field trips, field studies, non-curricular based activities tulad ng immersions/reach-out programs, volunteer work, inter-school competitions, cultural performances, and team development activities.

Ito ay ayon sa policy na inilabas ng CHED o ang Commission on Higher Education. Safety and welfare ng mga estudyante ang pangunahing layunin nito. At kung magkaroon ng estudyante na nasaktan or even worse ay namatay, ito ay bumabagsak sa general rule na lahat na guilty ng negligence o pagpapabaya ay dapat managot sa ilalim ng ating batas. Hindi excuse na hindi sinasadya o isang aksidente lamang ang nangyari.

Kung may mga indikasyon na preventable sana ang nangyari, at kung foreseeable ang danger at hindi ito naghanda, may posibleng liabilidad para sa pagpapabaya. Lalo na kung meron na palang nangyari in the past in a similar training camp or field trip na nalagay na sa panganib ang isang estudyante, pero inulit pang muli. Kailangan na nilang maghanap ng plausible excuse para sa mga pangyayari.

Sabi din ng Korte Suprema sa isang kaso involving a university, 'pag nag-enroll ang isang bata, kahit na hindi ito menor de edad at adult na, kahit hindi na"in loco parentis" ang eskwelahan, merong kontrata sa pagitan ng paaralan at ng estudyante na ang paaralan ay may obligasyon na mag-provide ng isang safe learning environment. Dapat walang kakulangan sa pagprotekta ng paaralan sa mga naka-enrol sa kanila. At talagang may obligasyon pa ang mga paaralan.

Halimbawa, sa Anti-Hazing Law natin, bantay saraado ang mga organization. At hindi lamang ito sa mga fraternity at sorority – kasama ang mga academic and varsity sports clubs, cultural and performing arts groups, athletic teams – at malaki ang obligasyon ng paaralan na siguraduhin na walang mga initiation rites o physical, mental, emotional pasakit ang nangyayari. Anong kaso ang maaaring ikaharap ng isang nagpabayang paaralan?

Of course aside from other special laws tulad ng Anti-Hazing Law, merong criminal, civil at administrative na mga kaso. Sa kahit na anong kaso, kahit na ito ay hindi isang deliberate na offense, kung may pagpapabaya na nangyari, posible ang paghain ng isang criminal na kaso kung maipapakita na ang level of negligence ay almost criminal na rin in nature. Of course, ang civil liability for damages arising from negligence ay parating nandyan.

Pero kahit anumang halaga ng danyos ay hindi makapapantay sa halaga ng buhay ng nawala. Para sa mga magulang at pamilya ng nasawi, never na magiging sapat ito na pambayad sa nakitil na buhay at namatay na mga pangarap.

GooglePlease follow us on Google to support us
We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

gmanews /  🏆 11. in PH

Opinion Rene Baterbonia Divine Adili Gaby Concepcion

 

Philippines Latest News, Philippines Headlines

Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.

Senate Leadership Dispute Simmers Amid SONA PreparationsSenate Leadership Dispute Simmers Amid SONA PreparationsA dispute over Senate leadership continues as Sen. Alan Cayetano's bloc refuses to recognize the election of Sen. Sherwin Gatchalian as acting Senate president. Meanwhile, the Presidential Communications Office, through Secretary Cheloy Garafil, has sent invitations for the first SONA Inter-Agency Coordination Meeting, referring to Senate Secretary Atty. Jose Luis Montales while a Cayetano bloc insists Bantug holds the position.
Read more »

Vandolph sa pangaral ng amang si Dolphy: Maging mapagpakumbaba at respetuhin ang lahat ng katrabahoVandolph sa pangaral ng amang si Dolphy: Maging mapagpakumbaba at respetuhin ang lahat ng katrabahoSa panayam ng “Kay Susan Tayo Vlog” ni Susan Enriquez, inihayag ni Vandolph Quizon na nami-miss pa rin niya ang namayapa niyang amang King of Comedy na si Dolphy, na pumanaw noong 2012 dahil sa cardiac arrest.
Read more »

Mga Pinoy na walang kayod, dumami nitong Abril 2026, ayon sa PSAMga Pinoy na walang kayod, dumami nitong Abril 2026, ayon sa PSANadagdagan ang mga Pilipino na walang trabaho noong Abril 2026. Habang nadadagdagan ang bilang ng mga naghahanap ng mapapasukang trabaho, bumaba naman ang antas ng oportunidad sa bansa, ayon sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Martes.
Read more »

53 exotic animals, kabilang ang isang white-bellied sea eagle, nasagip sa Sarangani; pero 3 wallaby, namatay53 exotic animals, kabilang ang isang white-bellied sea eagle, nasagip sa Sarangani; pero 3 wallaby, namatayAabot sa 53 native at exotic wildlife species ang nasagip ng mga awtoridad sa isinagawang operasyon sa Barangay Maribulan, Alabel, Sarangani.
Read more »

Isko turns over P62.5M subsidy to PLM for 2026 fundingIsko turns over P62.5M subsidy to PLM for 2026 fundingMANILA, Philippines — The Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) received P62.5 million in city subsidy from the Manila government to support the university’s operations for the second quarter of 2026.
Read more »

House probe on Ateneo basketball players' deaths soughtHouse probe on Ateneo basketball players' deaths soughtHouse probe on Ateneo basketball players' deaths sought
Read more »



Render Time: 2026-07-11 02:43:02