'Sakaling hindi kaya ng ospital o walang capacity for the specific condition, kailangan muna i-stabilize ang pasyente, asikasuhin, at i-refer.'
MAYNILA--Papatawan ng karampatang aksiyon ang mga ospital na mapatutunayang may paglabag matapos silang ireklamong tumanggi sa mga pasyente.
Sa Laging Handa Public briefing nitong Sabado, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na iniimbestigahan na ang naturang mga insidente, saka nagpaalala sa mga ospital, pribado man o pampubliko, na hindi sila pwedeng tumanggi ng pasyente. "Sakaling hindi kaya ng ospital o walang capacity for the specific condition, kailangan muna i-stabilize ang pasyente, asikasuhin at i-refer. Kung ire-refer outside of their hospital to another hospital, they should be the ones to coordinate that," aniya.
Nagbabala rin si Vergeire sa mga gumagamit at nagbebenta ng rapid antibody test kits. Aniya, dapat registered ito sa Food and Drug Administration at masigurong accurate ang resultang lalabas. "Kailangan may validation ng RITM [Research Institute for Tropical Medicine] itong mga rapid anti-body test kits. Ang RITM ang makakapagbigay ng rekomendasyon kung ano-anong rapid anti-body tests sa market ang highly sensitive at highly specific that will provide accurate results," aniya.Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Lalaking dayo sa Cavite patay nang makaengkuwentro ng mga pulis sa buy-bust
Read more »
Mga vendor balik-lansangan para makabangon mula sa lockdown
Read more »
Himig Handog 2020, bukas na sa mga awiting may iba't ibang tema
Read more »
WATCH: Mama Cy, may 'witty' solusyon sa uulamin ng mga Kabarangay | GMANetwork.com - Radio - ArticlesMama Cy, may kakaibang color game na ipinakita sa mga Kabarangay! Panoorin DITO:
Read more »
Taguig LGU mamimigay ng bisikleta sa mga health frontliner
Read more »
SK chairman sa Ilocos Norte, handog ang libreng pagtuturo sa mga kabarangay
Read more »