Lalaking may sumpak na hindi target sa operasyon, sugatan nang makipagbarilan sa mga pulis

Philippines News News

Lalaking may sumpak na hindi target sa operasyon, sugatan nang makipagbarilan sa mga pulis
Philippines Latest News,Philippines Headlines
  • 📰 gmanews
  • ⏱ Reading Time:
  • 69 sec. here
  • 3 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 31%
  • Publisher: 68%

Sugatan ang isang lalaking may sumpak matapos siyang makipagputukan sa pulisya kahit hindi naman siya ang target ng anti-gambling operation sa Quezon City. Ang suspek, may kaso palang attempted homicide at madadagdagan pa ng reklamo.

Sa ulat ni Vonne Aquino sa “24 Oras Weekend” nitong Sabado, mapapanood sa CCTV ang suspek na kinilalang si Ramil Villegas, alyas Ramboy, na may hawak na sumpak o improvised shotgun sa isang eskinita sa Barangay Payatas A nitong Biyernes ng gabi.

Ilang saglit pa, napaatras ang suspek at bumagsak. Nagawa pa niyang makatayo at makatakbo, saka siya hinabol ng mga tauhan ng Quezon City Police District Station 13. Tunay na pakay talaga ng QCPD Station 13 ang anti-illegal gambling operation o kontra sugal, pero lumabas ang suspek sa isang madilim na bahagi ng lugar na nasa aktong may hawak na sumpak at pinaputukan ang mga operatiba.Nabaril sa tagiliran si Villegas, ayon sa pulisya, pero nakatakas pa rin at nakahingi ng saklolo sa mga tao matapos ang engkwentro.

Ayon sa salaysay ng isang tricycle driver, hindi niya kilala ang suspek pero naawa siya rito kaya isinakay niya ito kasama ang dalawa pang lalaking nagmalasakit din kay Villegas.Nang kumpirmahin ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng suspek sa pagamutan, natuklasan nilang may warrant of arrest si Villegas sa kasong attempted homicide.

"Siguro iniisip nga niya siya 'yung target sa area kaya ganu'n ang kaniyang naging actuation nu'ng makakita ng mga pulis," sabi ni Police Lieutenant Colonel Roldante Sarmiento, station commander ng QCPD Station 13.Ayon sa pulisya, inilipat na sa Quezon City General Hospital mula sa Rosario Maclang Bautista General Hospital ang suspek at doon inoperahan.Nahaharap ang suspek sa mga dagdag na reklamong direct assault, illegal possession of firearm at attempted murder.

We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

gmanews /  🏆 11. in PH

Philippines Latest News, Philippines Headlines

Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.

This Quezon City baker's meringue fudge brownie is chocolate on chocolateThis Quezon City baker's meringue fudge brownie is chocolate on chocolateBrownie points for this moist, fudgy milk chocolate brownie topped with a crisp and airy chocolate meringue!
Read more »

LOOK: Potato Corner opens first drive-thru branch in Quezon CityLOOK: Potato Corner opens first drive-thru branch in Quezon CityBRB: Driving by for fries! 🍟
Read more »

Lalaking most wanted na binaril sa ulo noon ang ama, inirereklamo naman ng pang-aabuso sa kapatidLalaking most wanted na binaril sa ulo noon ang ama, inirereklamo naman ng pang-aabuso sa kapatidArestadong muli ang isang lalaking most wanted sa Laguna na binaril sa ulo noon ang kaniyang ama, matapos niyang abusuhin naman umano ang kaniyang kapatid na babae.
Read more »

1 dead, 3 hurt due to electrocution in Quezon town1 dead, 3 hurt due to electrocution in Quezon townLUCENA CITY — A worker died, and three others were injured on Thursday, Nov. 10, after they were electrocuted in Tiaong town, Quezon province, police said. Arnel Dela Cruz, Ronel Dela Cruz,
Read more »

Laborer dies after electrocution in QuezonLaborer dies after electrocution in QuezonA construction worker died and three others were injured after they were electrocuted while installing a solar street light in Barangay Talisay on Thursday afternoon, Nov. 10.
Read more »

IN PHOTOS: Celebrities and their politician partnersIN PHOTOS: Celebrities and their politician partnersIlan sa kilalang personalidad sa showbiz ang nakahanap ng pag-ibig sa mga politiko. Ang iba ay nagkakilala dahil sa kanilang common friends, may iba naman na dahil sa trabaho at parehong interes. Tulad na lamang nina Pauline Mendoza at Ashley Ortega, na nakilala ang kanilang politician partners sa pamamagitan ng common friends. Kilalanin ang iba pang celebrities na nagmahal ng politicians sa gallery na ito:
Read more »



Render Time: 2025-03-21 14:13:54