Sapul sa CCTV ang pagkalikot at pagnakaw umano ng isang lalaki sa e-bike ng staff ng isang clothing shop sa Tondo, Maynila.
Maya-maya, pinantaklob na sa ulo ng lalaki ang suot niyang t-shirt at kinakalikot na ang nakaparadang e-bike sa tapat ng tindahan ng damit.Sinuot na niya nang maayos ang t-shirt niya at minaneho paalis ang e-bike.“Ginagamit din ‘yun hatid sundo sa mga bata tapos nanakaw lang. Yung e-bike na nga lang ‘yung napundar, nanakaw pa,” ani Joshua Mendoza, may-ari ng e-bike.
Masaklap daw para sa kaniya ang nangyari lalo na’t katatapos lang nila hulugan ang e-bike matapos ang isang taon. Dagdag pa niya, kagagastos lang nila para makabitan ng bagong battery ang e-bike.Duda pa niya, mukhang customer pa nila ang lalaking tumangay sa e-bike. “Nakasuot siya ng paninda namin. Parang minanmanan niya muna ‘yung e-bike. Dinouble check niya muna kung siguro anong oras nawawala ‘yung tao, saan pinaparada ‘yung e-bike kasi alam niya agad ‘yung pupuntahan niya eh,” ani Allan Teston, ang may-ari ng tindahan.Payo niya sa mga kapwa business owner, “‘Wag sila maghinayang na mag-invest ng ano, ng CCTV sa shop nila. Maging alerto sila kasi napakarami talagang ganun ngayon ‘pag dating ng December — mga kawatan.
Nai-report na raw nila ang insidente sa barangay na sinusubukan pang kuhanan ng pahayag ng GMA Integrated News. — BAP, GMA Integrated News
Btb Metro Btb Metro Manila E-Bike Tondo Manila Balitambayan Gma News Online Gno Pinoy Stories Scoops Trends Tabloid Balita News Showbiz
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Lakas ng tigre, nasaksihan ng isang lalaki na kamuntik lapain sa ChinaKumaripas ng takbo ang isang lalaki matapos niyang masaksihan kung gaano kalakas ang isang tigre na kayang gibain ang isang bakal na gate sa China.
Read more »
Lalaki, sugatan matapos pagsasaksakin ng kinakasama ng kaniyang dating kalaguyoLalaki, sugatan matapos pagsasaksakin ng kinakasama ng kaniyang dating kalaguyo
Read more »
Lalaki, nasobrahan nga ba sa paglalaro ng online game sa cellphone kaya namatay sa ACS?Sa kaniyang mga huling sandali, nagsuka, at namilipit sa sakit ng tiyan at ulo si Anthony bago siya binawian ng buhay. Ang hinala ng kaniyang pamilya, may kinalaman sa maaga niyang pagkawala ang labis niyang paglalaro ng online game sa cellphone.
Read more »
6 patay sa sunog na sumiklab sa Sampaloc, MaynilaAnim na residente ang nasawi matapos tupukin ng apoy ang isang residential building sa Sampaloc, Maynila madaling araw nitong Sabado.
Read more »
Babae patay nang sumemplang ang motor ng mister at magulungan ng truck sa MaynilaNasawi ang isang babae, habang sugatan ang kaniyang asawa, matapos sumemplang ang kanilang motorsiklo at magulungan siya ng truck sa Tondo, Maynila.
Read more »
Patay nga lalaki hubo, nakaplaganSunStar Publishing Inc.
Read more »