Matapos ang humigit-kumulang 5 oras, naapula na rin ang sunog sa naturang industrial area sa Lawang Bato.
Alas 4:30 ng hapon itinaas ng Bureau of Fire Protection sa ikalawang alarma ang sunog sa establisyimento sa Sitio Malinis.
Batay sa inisyal na impormasyon ng BFP, isa itong manufacturer at importer ng electrical components. Pansamantalang isinara ang bahagi ng Sitio Malinis dahil sa sunog, batay sa anunsyo ng Valenzuela city government. Sunog sa isang industrial area sa Lawang Bato, Valenzuela, nakataas sa ikalawang alarma, as of 4:30 pm @DZMMTeleRadyo @ABSCBNNews pic.twitter.com/V8T7kTIh5ySamantala, nasunog din ang isang residential area sa kanto ng Malvar at Macabulos Street sa Barangay Bangkal, Makati City.
Itinaas ng BFP sa unang alarma ang sunog alas 9 ng gabi, at naapula ito bago mag alas 10 ng gabi.--Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Babaeng driver natagpuang patay sa saksak sa sariling kotse sa Laguna
Read more »
'Nanlamig kamay ko': Mga biktima sa viral UP Visayas chat dismayado sa 'pambabastos' sa kanila
Read more »