MAYNILA - Nakararanas pa rin ng mga problema sa paggamit ng RFID sticker ang ilang motorista ilang araw bago mag-Pasko, kung kailan inaasahan ang pagdami ng mga gagamit sa mga tollway.
Maaalalang ginawang mandatory ang pagpapakabit ng RFID sticker ngayong inatasan ang mga tollway na gawing cashless ang kanilang bayad para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease .
Watch more in iWantTFC “Pumila ako, ang haba. Tapos, pangalawa mahaba pa rin. Maaga nga ako pumila rito, sobra. Biro mo, naka-dalawang ganito pa. Ang dami ngang reklamo ngayon ng mga motorista,” ani Ed, na luluwas ngayong Pasko. Aminado ang Metro Pacific Toll Corporation, operator ng NLEX, na may mga ganito silang naririnig na problema. Watch more in iWantTFC Pero anila, bumaba na ang bilang ng mga isyu sa kanilang mga RFID lanes.