Duterte: Mga may COVID19 na di nag-iingat makahawa sa iba maaaring kasuhan ng murder
MAYNILA—Sumasang-ayon si Pangulong Rodrigo Duterte sa naging mungkahi ni Chief Presidential Legal Counsel Sec. Salvador Panelo na maaaring panagutin sa kasong murder ang mga may sakit ng COVID-19 na hindi nag-iingat para na hindi makahawa ng iba.
“Kasi iyong unang sitwasyon hindi niya alam na may sakit siya, baka nahawa lang siya, kaya kung iyon po ay namatay pupwede iyon pumasok sa homicide. Pero kung maselan ito na sugat o injury, maaaring reckless imprudence resulting to physical injury or depende kung serious or less serious. Pero kung alam niya, at pumunta sa isang lugar at may sakit siya ng coronavirus, at namatay, ay iyan po ay talagang sadyang pagpatay iyan. Iyan po ay papasok sa murder sapagkat intentional," ani Panelo.
Bukod sa homicide at murder, maaari rin aniyang mapanagot ang mga sumusuway sa health protocols sa mga kasong resistance or disobedience to authorities at paglabag sa Republic Act No. 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act, ayon kay Panelo.
Philippines Latest News, Philippines Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Bus company pagpapaliwanagin sa umano'y di pagpapasahod sa mga konduktorPagpapaliwanagin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang isang bus company kaugnay sa reklamo ng mga konduktor na hindi umano sila pinapasahod ng kompanya.
Read more »
Mga newly hired na nurse sa ibang bansa, 'di muna papayagang umalis ng PinasHindi na muna papayagan ng gobyernong umalis ng bansa ang mga newly hired nurse, nursing aide at nurse assistant, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.
Read more »
Pagkain, hygiene kits, hiling ng mga nasunugan sa MaynilaNanawagan ang mga nasunugan sa Barangay Dagupan sa Tondo, Maynila ng dagdag na pagkain at hygiene kits.
Read more »
Unang bugso ng pagbabakuna sa mga manggagawa umarangkada naUmarangkada na nitong Lunes ang pagbabakuna sa mga Pilipinong kabilang sa A4 priority list, kung saan pasok ang mga manggagawa o economic frontliners.
Read more »