Bayan sa Northern Samar nagtamo ng malaking pinsala sa hagupit ng bagyong Ambo

Philippines News News

Bayan sa Northern Samar nagtamo ng malaking pinsala sa hagupit ng bagyong Ambo
Philippines Latest News,Philippines Headlines
  • 📰 ABSCBNNews
  • ⏱ Reading Time:
  • 40 sec. here
  • 2 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 19%
  • Publisher: 83%

A town in Northern Samar suffered heavy damages from AmboPH.

Malaki ang pinsalang idinulot ng malakas na hangin at ulan sa bayan ng Lapinig sa Northern Samar sa pananalasa ng bagyong Ambo nitong nakaraang linggo.

Kwento ng mga residente ng Barangay Palanas ng nasabing bayan, umabot hanggang dalawang metro ang taas ng daluyong sa kanilang lugar.Hindi pa nawawala ang takot ng kagawad na si Genalyn Ortillada ngunit laking pasasalamat niyang nakalikas sila sa paaralan at nailigtas ang kanyang mga anak. Kaya ngayon, sa pinagtagpi-tagping yero at trapal muna sila nakakasilong. Doble pa ang sakripisyo nila ngayong wala na ang bagyo at mainit na ang panahon.

Ayon kay Mayor Maria Luisa Menzon, 80 porsiyento ng mga kabahayan sa kanilang bayan ang nasira, kasama rin ang mga seawall na harang sana sa malalakas na alon.Isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng Lapinig pero kailangan pa rin ng tulong ng munisipyo para matugunan ang pangangailangan ng mga biktima ng bagyo.

We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

ABSCBNNews /  🏆 5. in PH

Philippines Latest News, Philippines Headlines

Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.

‘Malaki ang mawawala sa koleksiyon ng buwis dahil sa ABS-CBN shutdown’‘Malaki ang mawawala sa koleksiyon ng buwis dahil sa ABS-CBN shutdown’
Read more »



Render Time: 2025-02-16 08:09:39