ABS-CBN employees nabalot ng lungkot, pangamba sa ‘pagpatay’ sa prangkisa

Philippines News News

ABS-CBN employees nabalot ng lungkot, pangamba sa ‘pagpatay’ sa prangkisa
Philippines Latest News,Philippines Headlines

Watch more in iWant or TFC.tv MAYNILA - Marami ang natulala at walang nasabi; ang iba, naluha na lamang.

Watch more in iWant or TFC.tv MAYNILA - Marami ang natulala at walang nasabi; ang iba, naluha na lamang. Sumunod dito ang takot, lalo na’t ang ibig sabihin ng hatol sa ABS-CBN franchise para sa mga empleyado ay marami ang mawawalan ng trabaho sa panahon ng coronavirus disease 2019 pandemic.

Marami rin ang nangako na sa kabila ng lahat, tuloy ang serbisyo kahit mas limitado na ang plataporma ng network. Para sa mga taga-balita, sila ang balita ngayong araw at tumutok din ang iba’t ibang local at international news agencies. Namayani ang lungkot at pangamba sa mga talent at empleyado ng ABS-CBN ngayong ibinasura na ng Kamara ang aplikasyon ng prangkisa ng network. May ilang empleyado, tulad nina Zeny Hernandez at Tricia Sipin, pawang mga producer ng morning show na “Umagang Kay Ganda” na malaking dagok para sa kanila at sa kanilang mga pamilya ang umano’y pagpatay sa prangkisa ng network, lalo na’t may pandemya. “Sa pamilya ko isa na lang ang nakakapagtrabaho so iyong magulang ko po na apektado yung kanilang business dahil sa COVID so malaking tulong yung patuloy na pagpapasweldo ni ABS sa kanilang mga empleyado so kung tuluyan magsasara, saan po kami kukuha kahit pang araw-araw lang hindi na yung mga bills na kailangang bayaran?” ani Sipin. Watch more in iWant or TFC.tv Nag-iyakan naman ang mga talent at empleyadong nagtipon sa harapan ng ABS-CBN nang ibaba na ng House Committee on Legslative Franchises ang hatol nito ukol sa prangkisa. May bahid man ng galit, may ilang talent na nagsabing mayroong kaunting pag-asa sa kabila ng sitwasyon ng network. Una nang nabanggit ng mga ehekutibo ng ABS-CBN na kinakailangang magbitaw ng empleyado sa Agosto ngayong may mga serbisyo silang itinigil dala ng franchise shutdown. Para sa head ng ABS-CBN Integrated News na si Ging Reyes, maituturing itong masakit at isang malungkot na araw. Pero giit ni Reyes, kaniyang nirerespeto ang desisyon ng Kongreso. Hindi umano ito ang katapusan at sisikapin pa ring maipagpatuloy ang pagbabalita. Nagpapasalamat siya sa mga kasama sa Integrated News at hinikayat na huwag silang mawalan ng pag-asa. “Patuloy tayo magtratrabaho. This is our sworn duty. Hindi tayo magtitigil sa balita. Alam natin na limited na ang atin reach at revenue,” ani Reyes. “Kapit lang po. Hindi ito katapusan. News is the heart and soul of ABS CBN, at matibay ang paniwala ko diyan kaya ako’y naniniwala na hindi pa ito ang katapusan,” dagdag niya. Matinding kalungkutan naman ang nararamdaman ng Supervisor’s Union ng ABS-CBN dahil sa desisyon ng Kongreso na ibasura ang franchise application ng network. Makikipag-usap ang unyon sa panmunuan ng network para malaman ang susunod na hakbang kaugnay ng prangkisa at aksyon tungkol sa kapakanan ng libo-libong manggagawa ng network. “Matinding kalungkutan ang nararamdaman ng Supervisors' Union matapos ang naging desisyon ng Kamara na tanggihan ang prangkisa ng ABS-CBN. Nakikiisa po kami sa damdamin ng Management at lahat ng empleyado sa malungkot na balitang natanggap natin ngayon,” anila. Samantala, hindi man pabor sa ABS-CBN ang pasya ng Kongreso sa prangkisa, nagpasalamat si ABS-CBN Chairman Mark Lopez sa mga nagsulong nito at sa mga sumuporta, hindi man ito ang inaasahang resulta ng network. “This is not the outcome we have hoped for, but we remain grateful that we were able to participate in the process and clear the issues raised against ABS-CBN,” ani Lopez. “We are very grateful for the unwavering support of all the sponsors who authored our bills and to the lawmakers who believed we deserve a franchise,” dagdag ni Lopez. Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

ABSCBNNews /  🏆 5. in PH

 

Philippines Latest News, Philippines Headlines

Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.

ABS-CBN workers, backers ready caravan to House to press for new franchiseABS-CBN workers, backers ready caravan to House to press for new franchiseMANILA, Philippines—ABS-CBN employees and supporters will troop to the House of Representatives early on Thursday (July 9) to press lawmakers to approve a new 25-year franchise for the broadcast
Read more »

House panel yet to decide on ABS-CBN franchise renewalHouse panel yet to decide on ABS-CBN franchise renewal
Read more »

Mga taga-isla sa Occidental Mindoro iginiit ang kahalagahan ng ABS-CBNMga taga-isla sa Occidental Mindoro iginiit ang kahalagahan ng ABS-CBN
Read more »

Cayetano hits ‘mind-conditioning’ ahead of ABS-CBN franchise voteCayetano hits ‘mind-conditioning’ ahead of ABS-CBN franchise voteSpeaker Alan Peter Cayetano doused rumors that House leaders and religious groups are allegedly issuing threats so lawmakers would reject the franchise application of beleaguered media network ABS-CBN. IbalikAngABSCBN LabanKapamilya
Read more »

Solons' personal experience shouldn't be a factor in ABS-CBN franchise vote: LagmanSolons' personal experience shouldn't be a factor in ABS-CBN franchise vote: Lagman
Read more »

ABS-CBN denies bribing lawmakers for franchise bidABS-CBN denies bribing lawmakers for franchise bidThe embattled media network refutes allegations that it offered millions in pesos to a certain lawmaker in exchange for his
Read more »



Render Time: 2026-05-17 09:02:23